Saturday, May 24, 2008

Beep! Beep!

Ang buhay pag–ibig, parang buhay lang iyan sa kalsada. Ayun ka sa isang sulok ng waiting shed, nag–aabang na sana dumating na ang iyong inaabangang sasakyan.

Minsan mapili tayo. Ayaw natin na punuan ang jeep o ang fx kasi mashadong siksikan, nakaka–suffocate. Minsan naman, ayaw natin ng pangit yung itsura ng sasakyan, baka kasi mainit sa loob o hindi kaya ay may makakita sa iyong kakilala mo, nakakahiya nga naman. Minsan sobrang ang tagal dumating nang sasakyan kung kelan naman uwing–uwi ka na. Minsan kapag gusto mo naman magtagal sa antayan ng sasakyan, wala lang, tambay pa ng onti... doon magdadatingan ang lahat ng pwede mong sakyan… at ikaw naman ang hirap na hirap sa pagpili kung alin ang iyong sasakyan. Minsan nakakabagot maghintay kaya mas gugustuhin mo na lang maglakad para makauwi.


At minsan… oo, minsan… walang sabi–sabi, hindi ka naman nagmamadali, at hindi ka rin naman namimili... wala kang paki sa kung ano man ang masakyan mo… doon… doon darating ang pinakamatinong jeep o fx o bus para sa'yo.


Ang hirap ng buhay sa kalsada ano? Lahat naghihintay nang sasakyang para sa kanila. Darating kaya ang mga hinihintay nila?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...