Saturday, May 31, 2008

Gawin daw ba akong santo

feektyuur feektyuur!!

shempre pag bagong graduate ang isang nilalang na gaya ko, alam na natin na kailangan ipinadadala ang lahat ng ka-kodak-an sa mga kamag-anak mula aparri hanggang jolo, mula silangan hanggang kanluran ng mundo... eh di ayun.

feektyuur feektyuur!!

nakakatawa lang ang reaction nila pag nakikita nila ang picture ko nung graduation. mga kamag-anak kong bata pa nang huli akong makita, o di kaya ay alam na ang lahat ng baho ko sa katawan.

BEWARE! Feelingera ako pero ang istoryang nakalahad dito eh pawang nakakatawa na lang kasi hindi ko kinakaya... natalo po ang powers ko sa pagfi-feeling... ay mali, natanggal ang pagfi-feeling ko at bigla akong nahiya na natawa na lang. hahaha!!!

1. si Papa Rudy, na medyo opisyales sa probinsya ng aking mga magulang, at kakilala ng halos lahat na ata na naandun, sa tuwing may pupunta sa kanilang bahay sa probinsya, at take note madami dami un, ay kamusta sa kanila, ipinangangalandakan ang aking ichura. sabi DAW ng mga nakakakita, napakaganda ko daw.

2. si Manay Plong ng nanay ko (tita niya) na galing sa United States of Ambitions kuno eh pagkakita sa graduation picture ko eh pina-scan daw ang mga pictures at spread spread throughout the universe niya... same din ang reaction sa itaas.

3. ang pinaka panalong reaction ay mula kay Mama Nita na siyang pinsan ng lola ko ke mama na hindi ko naabutan. Pagkakita daw sa pictures ko nung graduation eh naiyak daw at sabing sana daw buhay pa si lola para nakikita niya kung gaano kami kahuhusay na tao ng mundong magkakapatid...

hiningi po niya ang aking picture at pinablow up at pina picture frame and guess what, asa sala na po nila ang picture ko.

wahahahah!!!! so kamusta naman sa akin ginawa nila akong santo, fan ko na sila. artista? hahaha!!! nakakatawa na lang kasi nakakatawa naman pala ang mga kamag-anak ko hano...

:D

naisip ko, siguro kasi hindi nga nila ako (o kahit ng mga kaibigan ko) nakikitang nag-aayos kaya gulat sila nung nakita nilang may onting pulbo, lipstick at onting kurot sa pisngi ang mukha ko. eh so pano na lang pala pag nagmake up talaga ako ng bongga, ms universe na ako? 

wahahahah!!! shempre joke lang. :D

at naisip ko din na kung hindi naman ako nag-ayos ng araw na yan, ako lang ang maiiwan dahil lahat nagpamake up artist... eh ako nga lang ang nag-ayos sa sarili ko niyan eh. at naisip ko pa na isa, lahat naman ng tao, pag inayusan mo, titino :D

feektyuur feektyuur!!

eto po ang ichura ko sa araw ng graduation.


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...