Saturday, May 31, 2008

Hunyango sa Bato

Noong asa highschool pa ako, kinailangan ko maghanap ng isang librong ang may akda ay kapwa ko Pilipino para gamitin sa aming Book Report. You know naman highschool, meh mga ganong churchur pa. Hehehe.

Karamihan sa mga kaklase ko ng mga panahon na iyon ay ang mga pinagkukukuhang libro ay ang mga librong gaya Tundo May Ay May Langit Din, Kangkong 1986, at mga akda ni Lualhati Bautista. Dahil ako ay ibang tao, ayoko maki gaya sa kanila... kaya kahit na noong simula ay labag sa kalooban kong bilhin ang isang librong may kakapalan at maliit ang font size sa pagsulat, kahit na mahilig naman ako sa libro talaga (eh kasi naman kamusta naman hano... walang panahon noon magbasa ng ganon kakapal na libro... may deadline. sana kung wala.) ay kinuha ko ang isang librong may titulong: "Sa Kagubatan ng Isang Lungsod" ni Abdon Balde Jr.

Akala ko boring ang libro. Ay but no oh no! Magandaaaaa siya. Kaya basahin niyo, hokei? Mapulitikal at kontemporaryo ang akda ni Sir Balde Jr. Marerelate niyo sa nagaganap sa Pilipinas ngayon :D heheheh!

Pero hindi yan ang point ko... actually wala naman akong point sa blog kong ito sa ngayon... ay meron pala! ang basahin niyo ang libro niya. Pero anyway...

Noong panahon na iyon, hindi pa sikat si Abdon Balde Jr. Nakalimutan ko na rin siya through the years... shempre akala ko isang libro lang talaga ang nagawa niya since nung time na yun...

Pumunta ako sa National Bookstore nung isang araw dahil bibili ako ng panibagong stock ko ng mga libro dahil basa ko na ang lahat ng librong meron ako sa bahay... at nakita ko na ang dami niyang bagong books... at lahat nanalo ng National Book Award at finalist sa Gintong Aklat Awards churchur... Mahusay mahusay! Kaya naman bumili kayo ng libro niya, hokei?

Peyborit ko si Bob Ong... at peybo ko na din na bago si Abdon Balde Jr.

Eto ngayon ang librong binabasa ko... pagiging isang kwentista ang point niya sa buhay :D

click niyo na lang ito ^_^ para makita niyo yung book... :D


i own the universe,
all knowing superboi

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...