Sunday, May 25, 2008

Small World

minsan, naiisip ko, sana dumating yung araw na ang mga kaibigan ko ay HINDI kaibigan ng iba ko pang kaibigan.

magulo ba?

wala lang. Ang liit kasi ng mundong ginagalawan ko. Halos lahat ng kaibigan ko may kakilala silang kakilala ko din tapos ung kakilala nila na kakilala ko din ay may kakilala pa na kakilala ko na naman. Oha! Ang malawak kong mundo ay lumiliit ng lumiliit.

Gusto ko lang minsan maisip na darating ang panahon na ganon nga ang mangyayari. Wala lang. Para something new.

Minsan kasi mas masaya yung pwede kang mag imbento ng ibang personalidad ng hindi ka nahuhuli na nag iimbento. Minsan kasi nakakasawa na yung as ikaw.

Masaya naman ako bilang ako. Pero minsan, masaya din mag imbento ng ibang pagkatao... yun nga lang hindi ko magawa kasi maliit ang mundo ko.

hehehe! :) naiinggit lang ako ngayon sa mga taong ke huhusay magsuot ng ibang pagkatao. Clap Clap to them!!!


i own the universe,
all knowing superboi

2 comments:

mnel said...

lalo lang pinaobvious ng friendster ang pagiging konektado ng mga tao. maliit din ang mundo ko. kahit nung napadpad ako sa qc eh may mga kakilala pa rin akong kakilala ng iba kong kakilala (south girl kasi ako).

ang masaya dito, sa dami ng mga kakilala ko at ng mga kakilala nila, wala kaming common friend ng pet ko - kahit isa!!! o di ba? me and him against the world ang drama! =D

allknowing superboi said...

panong south? as in sooouuuth na mindanao? o south na tipong las pinas ganon (south nga ba yun?) hahah!!

ay masaya ka kasi sa pet mo lang ikaw pwede magkunwari kunwarian.. ako gusto ko sa tao para masaya heheh :)) kunyari pwede ko sila lokohin na minsan artista ako kahit hindi mga ganon wahahah!! adik :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...