Wednesday, June 25, 2008

adjustable human beings

bakit tayo nagbabago ng di natin namamalayan?

di mo ba napapansin na lumalayo na tayo sa isa't isa?
ni hindi na tayo gaya ng dati kung mag-usap na adik at sabik na mapansin nung kabila?
ni hindi na ako nagsisipag magtext uli. o di kaya ay ...

nakakapanibago kasi.
pwede naman magbago ang tao. ayos ang pagbabago.
pagbabago na technically naman ay hindi dahil...
well, matagal na yung kung ano man na asa tao na bagong nadidiskubre niya sa sarli niya...

pero bakit kailangan hindi natin ipaalam sa iba?

ano ba naman ang sabihin natin na...
hep! magbabago lang ako ng onti ah...
para ung isa makapag adjust at di maiwan.
para ung isa pwedeng lumayo ng walang nasasaktan.
para namamalayan natin na ganito na ang ngayon.

namimiss k na ang parang dati natin... biglang poof nawala na.
namimiss ko ang dating ikaw... asan ka na?
akala ko ba....

5 comments:

gillboard said...

ano ba dapat sisihin sa mga pagbabagong ganyan? yung tao ba? panahon? o tayo?

hmmmm... nakapagtataka talaga.

allknowing superboi said...

hi gillboard :D

una dahil ako ang may ari ng universe, naniniwala ako na wala tlagang pagbabago...

kasi ang pagbabago eh technically isang term para may masisi lang tayo na salita. heheh. naniniwala kasi ako na walang nagbabago. may mga tao lang na hindi kasi sanay na may makitang kakaiba sa kaibigan lugar o kung ano man na hindi niya nakasanayan noon... kaya aun nasasabing may pagbabago.

basta hahaha.

walang dapat sisihin. kundi ang term lang na pagbabago. un nalng para masaya :)

CaleB said...

pero the only permanent thing in the world is change di ba.. haha.. napa-english ako dun..

pero people change cguro dahil sa mga influences na nagtrigger sa kanya para magchange.. baka ang mindset nung tao eh nothing has changed pero di nya namamalayan almost everything has change.. awts..

may nagtext nga sakin eh.. nagbago na daw ako.. napaisip ako.. weh.. ewan ko.. di ko pansin eh..

kingdaddyrich said...

there is nothing constant in this world (probably in this universe), but change!

allknowing superboi said...

i know i know the cliche about change being the constant thing in this world...

pero dahil ayoko ng salitang change, kaya gumagawa ako ng paraan na hindi ito magamit...

kaya ang pinipilit ko lang isipin... walang nagbabago sa mundo... lahat ng nakikita natin at inaakalang pagbabago ay matagal nang nariyan. matagal ng nakabalandra sa mga harap natin na noong una ay hindi natin nakikita dahil kulang ang ating experience sa buhay para mapansin ito. na di pa sapat ang lahat ng nakaraan natin noong mga panahon na iyon para mapansin ang mga dating nariyan... na mashado tayong bulag sa kung ano lang ang nasa harap natin noon kaya di natin napansin ang matagal ng mga bagay na asa paligid lang.

nasabihan na din ako ng maraming beses na nagbago na ako.

sabi ko lang siguro kasi di nio nakilala ang parte ng sarili ko na yan noon dahil wala naman tayong naranasan na magkasama noon na may kinalaman sa sinasabi nilang pagbabago...

malabo ba? heheheh ewan magulo lang talaga ako

=)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...