Sunday, June 22, 2008

BAD BAD DREAM

nagising ako kanina na humahagulgol, humihikbi, naghahabol ng hininga, basang basa ang mukha at ang kama ng luha dahil sa isang napakasamang panaginip na sa mga pagkakataong ganito eh mas gugustuhin ko ang makasama ang mga kaibigan ko para makalimutan ko ang grabeng takot na hanggang ngayon nadadama ko pa din.

tangina lang. habang tinatayp ko 'to, mas lalo ko tuloy gusto makakita ng kaibigan na ang labo naman mangyari dahil ang lalayo nila =(

haaay. ang masama kong panaginip, hindi direktang kinukuha ang mga magulang ko, pero potek lang talaga, ang sama sa loob.

galing daw kami sa simbahan ng roxas district kung saan mga magulang ko kinasal. feeling ko ang saya saya ng mundo. lahat ng kamag-anak ko naandon. samasama pa nga kami nagsisimba eh. tapos ng matapos ang simba, kasama ko ang pinsan ko na babalik na sa bahay... akala ko sa ancestral home nila papa dun din sa roxas district ang babalikan namin na bahay (un ang unang bahay na tinirahan nila mama at papa). pero hindi, dinala ako ng pinsan ko sa isang mahabang street na ang uuwian pala naming bahay ay yung lumang apartment namin sa la loma. ung kinukwento kong bahay kung saan katapat namin ung police station na katabi naman ang fire station.

sinara nila yung street, parang kala mo may malaking party na magaganap. iba ang pakiramdam ko non. feeling ko sobrang saya ko kasi nasa isang lugar akong pamilyar. tapos kasama ko pa yung mga kamag-anak ko na akala ko susunod sa amin don sa bahay. sa sobrang saya ko nga naghabulan pa kami nung kasama kong pinsan eh. tapos nung pagpasok ko sa apartment, nawala ang pinsan ko. ang nakita ko kapatid ko na inaayos ang mga pagkain.

yung pagkain, sa sobrang dami, aakalain mo nga talagang may party na. nakaayos yung mesa namin gaya ng pagkakaayos nito noong naandon pa kami. yung ref nasa same pwesto niya. yung lalagyan ng mga boxes na katabi ng ref naandon din, at ang stairs na may altar na maliit sa pahingahan na papunta sa second floor, naandon din. biglang sa hindi ko malaman na dahilan, tiningnan ko ang ref at ang mga cake na inaayos ng kapatid ko.

oo, ang dami daming cake, at pagtingin ko, ung mga cake may mga nakalagay na, "bibisitahin naman namin kayo palagi-mama papa". halos lahat ng cake na sa sobrang dami non, may sulat ng ganyan. isa lang ung wala...

alam niyo ung kung gaano kayo kasaya biglang napalitan ng sobrang kaba at takot na may kakaibang mangyayari.

ayoko ipagalaw ung mga cake. ung cake lang na walang sulat ang gusto kong makita non sa mesa. galit na galit ako sa kapatid ko kasi mas gusto pa niyang makita ang mga may sulat na cake na makain samantalang pag nakain na yun, wala na kaming magiging memory ng mga magulang ko.

tapos biglang pasok si mama at tanong sa akin, okay lang daw ba ako? na parang hindi siya nakikita ng kapatid ko. sa sobrang takot ko humagulgol lang ako. ang kapatid ko sige lang siya sa pag-aayos ng mga pagkain, tahimik. ni hindi niya ata nakikita ang nanay ko. hinahanap ko si papa pero hindi naman lumabas. tapos ung pakiramdam na kakaiba na feeling mo wala na sila, ganon ung takot ko. at sa sobrang takot ko umiiyak lang ako. hagulgol lang ako ng hagulgol...

kahit ngayon habang tinatayp ko ito, umiiyak ako. natatakot kasi ako eh. mamaya kung ano ibig sabihin ng panaginip ko. siguro hindi nio ganon maramdaman ung takot ko kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin idedescribe ang isang takot ng anak na mawala yung magulang niya.

lahat naman kayo naging anak di ba... alam niyo naman na siguro kung paano yung takot na yun.

ayoko yung ganong pakiramdam. ayoko malaman kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na yun... natatakot ako na baka kung ano ang ibig sabihin.

gusto ko makita ang mga kaibigan ko... fhaaadz, nikkiii, john, joreeelleee, biancaaa, yvetteee, booorj...

tangina lang. ayoko magmura pero ang sakit kasi sa loob eh =(

2 comments:

binx said...

hope you feel better na. sobrang detailed ka pala managinip. ako karamihan puro weird. minsan natatakot na nga akong matulog kasi may mga dreams talaga na di ko nagugustuhan.

try mo ianalyze yung dream mo, i'm sure hindi naman sha literal na mangyayari or anything.

allknowing superboi said...

thanks. di pa din ako okay pero ewan.
tae lang paggising ko eh malala din pala ang gigisingan kong reality.

shit lang.

hindi lahat ng panaginip ko naaalala ko. yun iba pag gising ko may onti akong maaalala tapos the more kong pilitin, the more ko shang nakkalimutan.

ung mga napapanaginipan ko naman na sobrang vivid, lalo na pag about sa kaibigan ko, lahat yun literal na nangyayari. maaalala na lang namin na napanaginipan ko pala siya kapag nangyari na. pero minsan pag ang napapanaginipan ko naman is about myself... hindi naman literal na nangyayari pero ewan...

masama lang ang loob ko kasi basta... hindi lang ung panaginip ko ung nakakapagpabigat ng damdamin eh. haaaay

thanks pa din :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...