Monday, June 9, 2008

Baka lang...

Dear Universe,

siguro nga ayoko lang tanggapin sa sarili kong natututunan ko na ulit buksan ang puso ko na matagal ko na rin isinarado sa ibang tao. takot na nga siguro ulit akong masaktan kasi kung yung huli nga na tao na hindi naman naging kami, isang taon din ang binilang bago ko nakalimutan. at yung huling taong nakarelasyon ko, dalawa yatang taon bago ko natutunang tanggapin ang sakit. kaya sa bawat pagkakataong maaari ko naman buksan ang puso ko at hayaang may makapasok na ibang tao, bigla kong iniiba ang usapan at inilalayo o pinaglalaruan ang lahat, trinatrato ang lahat na biro lang, o nilalaro lang ako ng taong iyon.
"ano bang masama? bakit di mo subukan? walang magagawa kung uupo ka lang diyan."
pero iba siya. ibang iba. araw-araw ko siyang hinahanap. gustong makausap. kung maaari lang, araw araw ko din na gustong makasama siya, makakwentuhan, tawanan... pero hindi pinapahintulot eh at siguro kaya ko rin pinipigilan ang sarili kong tuluyang mahulog dahil malaki ang hadlang.
"di mo lang alam. puso ko'y iyong iyo lang. di mo lang alam. di mo lang alam. alam ko naman, ako sayo'y kaibigan lamang. alam ko naman, hanggang doon na lang."
minsan, gusto ko subukang buksan ang puso ko sa kanya, sabihin kung ano ang nararamdaman ko... na parang nais ko na higit pa sa kung ano ang meron sa ngayon ang mangyari pa. pero hindi ko magawa. nakakatakot kasi na mawala siya. natatakot akong kapag sinabi ko nang tuluyan, di na kami mag-usap, magtawanan, maiba ang lahat sa amin.

ayokong mawala siya nang tuluyan. di ko yata makakaya.

bakit ba kasi ganon na lang niya ako kung ituring. parang akala mo special ka pero yun naman pala assumera ka lang talaga. tapos laging ikaw ang tatakbuhan, superboi ka naman talaga, sige ka din sa pagsagip kahit minsan wala ka naman kakayahang sumagip. nakakaloka lang kasi na isipin na sa bawat kilos niya, sa bawat bitaw ng mga salitang di naman sweet pero mapapangiti ka, sa bawat pagpapalitan niyo ng mga kung anong anik anik, nagbabaka sakali ka na mayroon ibig sabihin sa likod ng mga iyon.

pero yun nga, ako lang naman ang lahat ng ito. ako lang lahat. sa akin lang lahat. wala sa kanya ata. ewan. waaaah!!! ewan... siguro kung mababasa niya ito... na hindi naman malayong mangyari dahil marunong naman siyang magbasa, baka may magbago sa amin... baka bumaba ang pagtingin niya sa akin. magbago ang trato niya. mawala siya. di na maging parang dati ang lahat sa amin. haaay wag naman sana.

sana kung may maiiba man, sana yung mapahintulutan niyang buksan ko ang puso ko sa kanya at siya rin sa akin, yung alagaan siya, mahalin siya, alalahanin kung kamusta siya. sana yun ang maiba...

sabi ko sa pagmamahal lagi ang utak ang may sala... hindi ang puso.
sabi ng utak ko wag ko siya magustuhan... pero sige naman ang utak ko sa pagprocess na mahulog sa kanya... saan naman ako lulugar pa diba?

sana wag kaming magbago kung baka sakaling mabasa niya ito. sana kung di niya ako kayang magustuhan ng pagkagusto ko sa kanya, sana walang magbago sa aming dalawa. hindi ko naman inaamin pa ang laman ng puso ko saknaya... ewan... baka lang...

pero asa pa ako di ba na mahulog siya. eh ako nga lang to lahat.. ako lang... asa pa!


i DO NOT own the universe,
all knowing superboi

Joooooooooooooke lang ang drama. :P wahahahahah!!! :D bat nga ba ako magdadrama eh wala naman ako lab lab ngayn. hahahah!!! :D

8 comments:

cedeux said...

awww...
hirap naman nyan, sumisigaw puso mo pero di nya naririnig...

bat nga kaya ganun no, nakakatakot mag risk ng kung ano meron kayo ngayon, kasi hindi mo alam ang magiging resulta?

sino kaya yan? hmmmm...

ingats=]

allknowing superboi said...

hmm... feeling ko naririnig naman niya yung sigaw ng puso ko, nagbibingi-bingihan lang siya. baka siguro ayaw din niya na may magbago sa kung ano ang meron ngayon.

salamat sa pagcomment :D

pero sabi ko nga... joooke lang ang drama ko. hehehe :D

gillboard said...

bago ko lang nadiscover blog mo, so di ko pa nabasa lahat... bakit ka nga pala walang lab ngayon?

yep umiiral pagkachismoso ko;p

allknowing superboi said...

ahahah!! bago lang din kasi talaga ito. hindi pa nga siya nagma-monthsary eh. whahah kasi taena ung luma kong blogger nabura ko. :(

henihu... ano ba ang sinabi... sandali...

bakit nga ba wala??? hahahah tanong ko din.

ahahah ah hindi meh sagot ako. kasi di na ako naniniwala sa laaaaaaaaaab.

chos. :D

Wilberchie said...

uulitin ko ang sinabi ko sa blog ko!

Ang sarap magsenti bago magpasukan! yes!

allknowing superboi said...

hahahah!!! well... siguro sayo kasi applicable pa na may inaabangan kayong 'pasukan'...

ako everyday is pasukan. taena. hahahah :))

at ang pagdadrama nagagawa nang may dahilan...

wahahahhaa parang ang labo ng mga pinagsasasabi ko di ba wahhahah :D

bulitas said...

panalo.
biglang bawi sa dulo.
hehe.
apirrr!

allknowing superboi said...

hahaha irvin irvin :D

kung talagang kilala mo ako... you know bakit meh bawi sa dulo. :D

hahaha!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...