Tuesday, June 10, 2008

Eerrrr

"Sinabi ko yan sa blog ko. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Hangga't hindi ka kumukumporme sa tao, saksak ang abot mo. hmm, ewan ko nga bakit mahirap ilagay ang sarili sa kahit saan. Para wala na lang gulo, minsan tanggap ka na lang ng tanggap kahit na ang gusto mo ay ipaglaban yung gusto mo talaga. Shempre others first bago sarili. Dadating ka na lang sa point na magiging indifferent ka na lang, magiging automatic. Tapos aun. Happy ang lahat except ikaw. Pero at least maligaya ang ibang tao. "- SAM 2oo7
" I am the most misunderstood person in the planet. (SA ISIP KO: Haha! Parang Charlie Chaplin lang. The Funniest Person in the World who was also the saddest person inside.) Hindi ko to ginagawa, yung nag eexplain and stuff kapag namimisinterpret ako. (SA ISIP KO: refer to previous quote) Pero yun ang mali ko. Kaya ikaw, magsalita ka lang. Soon makukuha din nila point mo. Kesa hindi ka magsalita ngayon, later pa nila magegets kapag wala na chance na masabi nilang nagets ka na nila. " – SAM 2oo7
"Hm, hindi kasi ako naniniwalang nagbabago ang tao. Nagpapakita lang minsan ng mga ugaling hindi inaakala ng iba na meron siya. Kung minsan dala na rin ng pagkakalayo ng damdamin kaya nasasabing nagbago ka. Siguro nasanay lang yung tao sa (insert name here) na nakilala nila tapos medyo hesitant sila sa (insert name here) na di niya akalain na may ganong ugali. Wag kang masad kung sinabihan ka nilang nagbago. Takot lang yung tao sa hindi niya kinasanayan.. yun ang nakakalungkot. Hindi niya kayang tanggapin na may ibang side ka pa... " – SAM 2oo7 " Naku, hindi nawawala ang mga kaibigan mo. Naandyan lang sila. Siguro lumalabas lang ang pagka-aloof mong side kaya ikaw yung lumalayo. Pero ung mga friends, andyan lang. Hinihintay lang na lumabas ulit ang pagiging social person mo. " – SAM 2oo7
Aminado ako na minsan baliktad na lang ginagawa ko, kumbaga, i contradict myself na lang din. Nakakasawa na nga kasi eh... Nakakapagod mag explain paulit-ulit sa mga taong di naman tunay na nakakaintindi. Para kang umaasa na magsalita ang pader eh gawa nga sa semento yun. Parang inasahan mong maging ulap ang bato.
Noon, basta yun ang paniniwala ko, Go lang ako. Kaya madalas marami ako nasasaktan. Madalas marami akong kinakalaban. Marami akong nakakaaway. Maraming may ayaw sa akin. Ngayon, ganon pa din... marami-rami pa din ang nagsasabing mashadong strong ang personality ko, matapang ang ugali at doon ko nakikita kung sino ba ang mga totoong tao na nakapaligid sa akin.
Ako lang ang masaya pero hindi yung iba. Selfish ako medyo siguro kung titingnan. Pero pag paulit-ulit na lang, tapos palaki ng palaki ang lawak ng naaapektuhan. Sometimes, you just shut up. Kahit na walang kwentang tao yung mga ginagawan mo ng kabutihan, sige go pa din sa pagtaliwas sa paniniwala mo, kasi kahit ano mangyari... tao ka pa din at may pakiramdam. Gusto mo maging okay sila. Tapos lahat ng tao masaya, except ikaw.

(crossposted from multiply blog June 05 2007)

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...