Wednesday, June 18, 2008

Insired from KingDaddyRich

BABALA: Ang post na ito ay mula sa multiply ko ginawa ko ito noong September 01 2007. Nabasa ko kasi ang post ni KingDaddyRich kaya nainspire akong ipost din ang aking nagawa noon dito... Salamat KingDaddyRich sa inspiration na muling balikan ang pagkabata ko :)

naaawa ako sa ibang mga bata ngayon.

hindi nila ganon naranasan ang magspend ng weekend mornings na nanonood ng mga cartoons na uso noong panahon namin gaya ng teenage mutant ninja turtles (na meron na ngayon), ng captain planet earth, peterpan, princess sarah, at ng iba pa. Yung mga lumang betty boop cartoons saka si felix the cat!

tapos pagka hapon asa labas ng bahay naglalaro kasama yung ibang mga bata. naglalaro ng patintero o di kaya piko or tumbang preso. minsan chinese garter na 10 20 tapos magiging limborock na ang pangyayari. minsan cops and robbers tapos super habulan. pati yung mga simpleng langit lupa, di na nila gaano nalalaro. tapos nung nauso ang skates na literal apat na gulong dalawa sa harap at likod na gilid... skates to the max ang laro na minsan kasama na sa paglalaro ng cops and robbers and skates. tapos naging roller blades na. na never ko na expert kasi ewan... kung bike nga hindi ko nagawa eh. hahaha :)

tapos di na rin ng mga bata ngayong nararanasan na mag jolens saka yung pogs nung coke pati ung o.a. sa sikat noon na teks. hahah!! di na rin nila naranasan na uminom ng maraming softdrinks non kasi gusto lang makita yung price sa ilalim ng tansan. di rin nila nararanasan na tumulong sa mga mommies nila nung nauso na mangolekta ng bear brand cartons kasi may promo talaga na maganda.

di rin nila naranasan na magkwentuhan ng nakakatakot na mga stories sa ilalim ng isang malaking puno sa labas ng bahay nila ng gabi kasama ung mga kasambahay na tapos na magluto. pati ung mamulot ng mga aratilis na everyday atang naglalagas. hahaha! :D

shit. nakakamiss naman. :(

nung bata pa ako, at wala pa kami sariling bahay dito kung nasan ako ngayon... nag-aapartment kami sa may malaya st. ung bahay namin nun katapat police station na laging pinagshu-shootingan ng mga action films non. kaya yung mga police station na nakikita niyo sa mga movies nung 90s dun sa amin banda un dati. o aun na nga. sa tapat ng bahay namin noon, ung police station. katabi non, ung nursery school ko na rotary tapos katabi ng rotary yung fire station sa area na yun. tapos sa kabilang side ng police station yung post office tapos palengke... tapos malapit pa sa amin noon ang simbahan, ang mercury at lahat ng fast food chains na maisip niyo, bakery na malaki, national bookstore branch at dalawang ekslusibong pribadong eskwelahan para sa lalaki at para sa babae. in short bahay namin non, nasa lugar na walang magbabalak na nakawan ka or i-arson dahil kamusta talaga, sumigaw lang ako ata non darating lahat ng bumbero at pulis para tumulong. heheh!

aun na nga, asan na ako? ah! noon nga, dahil sa katapat namin ang police station at fire station (magkabilang dulo-- corners ng street namin) pag maglalaro kaming magkakapitbahay non, sinasara talaga nila ung street namin para lang makapaglaro kami. kaya talagang mga bully na kami bata pa lang kasi biruin niyo non, maglalaro lang kami nakalagay sa magkabilang end ng street namin: "bawal pumasok" na baricade. heheh! so masaya noon maglaro ng tumbang preso at lahat na ng habulan kasi walang istorbong mga sasakyan. tapos minsan nung nagbrownout eh mga 1030pm na non. lahat kaming magkakapitbahay na mga bata lumabas at dahil maliwanag ang buwan non, sinara ulit nila para makapaglaro lang kami ng patintero under the moonlight! sosyal di ba! at heto, dahil sa katapat namin ung police station, minsan nagshu-shoot-shoot sila sa firing range. i dont know the term pasensha naman... hehe! punta lang kami don, pinapatry nila sa amin. shempre complete gear kami and stuff saka naka ear muffs tapos walang powder ung bala. ang saya! :D

at aun nga... naaawa ako sa mga bata ngayon kasi di nila na mashado nararanasan yan.. kahit nga siguro ung mga di rich kids hindi na nakakaranas niyan. ohwell, iba talaga ang kabataan ng mga panahon ko, feeling ko ang childhood ko (mga 90s) ang best years ng pagkabata compared sa kabataan ngayon at sa kabataan days ng mga magulang natin. :D


sana maranasan nila din yun...
ako, kung abutin man ako sa panahon na magkakaanak ako... paparanas ko sa kanila yan.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...