Sunday, June 22, 2008

pakshet

ay puyemas.
lahat ng sama ng loob, hinulog sa akin sa araw na ito. tang*** lang talaga.
magigising ka sa isang bagay na takot na takot, ang gigisingan mo naman isang masamang realidad din naman pala. masakit din sa kalooban.

eh san pa ako lulugar nito??? wala naman nageexist na in between... meron ba? meron ba???
may nag-eexist bang gitna ng panaginip at realidad?

grabe nakakailang buntong hininga na ako sa sobrang sama ng loob ko. tapos hindi ko pa makita kita ang mga kaibigan ko dahil either busy sila sa trabaho, sa kani-kanilang hobbies like teatro, nag-aaral, malalayo, nasa japan, at lahat na. di mo naman din mapilit makipagkita kasi ung iba walang pera pang lakwatsa kahit pang tambay dahil mga wala pang trabaho.

ang sakit sakit lang. sobrang sakit. isang malaking pain ang araw na ito... at kahit ayoko pa-torture, gagawa ang buhay ng paraan para mabatukan yata ako eh. asan ako lulugar???

grabe lang sa pagkasama ang loob ko ngayon. pasalamat ako sa blog kahit paano may nalalabasan ako ng sama ng loob. tapos ung mga iba ko pang kaibigan, sa akin dun tumatakbo. di mo naman masabing, hep stop tigil ako din meh problema.

haaay. buhay. tae. i. hate.
and the world is spinning
and she keeps on winning
but tell me what happens when it stops
they go...
ayan. tumigil na nga ang mundo sa pag-inog. asan ako ngayon? haaaay.

6 comments:

Wilberchie said...

Lucky ba itecth!?

Hold on frend!

allknowing superboi said...

yes. lucky iyan. =) em better na =) thanks sis.

She's so lucky, she's a star
But she cry, cry, cries in her lonely heart, thinking
If there's nothing missing in my life
Then why do these tears come at night

=)

mocha choco fudge said...

wth?! sammy! naku naman na "FRANK" syndrome ka din? hahaha! Parang lahat ata ng nakilala ko bad trip nung araw na yun ah.. haha..

see you sa audish. siguro naman makakadaan ka?

mnel said...

ang mga schizophrenic ay nabubuhay sa junction ng reality at ng fantasy. they live out their delusions, hallucinations and fantasies as if they're part of the real world. ang mga schizophrenics ay nabubuhay sa kanilang mundong ang linya between what's real and what's not ay hindi na delineated.

ngayon, meron bang nageexist na lugar sa gitna ng realidad at panaginip?

ang sagot ko ay meron!

pero ang mabuhay sa junction na ito ay hindi normal. kaya nga ang schizophrenia ay isang psychiatric disorder.

ngayon, kung gusto mong makawala sa reality at fantasy eh pwede ka namang pumunta sa gitna. wag ka lang mashadong magtagal dahil baka sa mental na ang ending mo. hehe.

ang dami kong sinabi. iwiwish ko lang naman na sana ay okay ka na. :)

allknowing superboi said...

@ boypren:

hindi ito FRANK syndrome.

kamon nagising ako na ang panaginip ko eh feeling ko mawawala na ang mga magulang ko.

paggising ko nakita ko ang lab ko aba meh lab na ibang tao.

tapos mayamaya ng araw na iyon, nalaman ko ang tito ko mawawala na in 6months.. or less kasi magfa-fly na siya papunta sa isang lugar na forever color white, ung mga tao may mga pakpak at forever masaya, you know na what em talking about... eh tito ko yun eh. kapatid ng tatay ko.. shmpre kalungkot.

tapos tatay ko nung araw na un depress kasi sa nalaman...

so un... di sha bad trip.. sadyang pakshet lang ang buhay. hahahah

but then i learned that my dream, and the reality is nothing but coincidental... synchronized ang buhay ko...

dahil dyan ill blog about the meaning of my dream sa sunod :)

thanks kapatid :)

allknowing superboi said...

@ mnel:

em better salamat =) weee!!!

paano natin nalaman na ang mga schizo ay ang hindi normal, eh feeling nga nila sila ay normal. eh pano kung tayo pala na mga assuming na normal ang hindi pala tlaga normal hano??
hahahah!!! napaisip lang ako.

wahahaha!! ay anobe, matrix? di ba parang ganon ang matrix na story.. hahah!@!! :)

well, hindi ko alam kung paano maging schizo... matry nga magresearch mamaya para magawan ko ng paraan ang pagiinarte ko sa buhay minsan. heheeh =)

THANKS MNEL. IN fairness, napaisip ako. hmm... salamat!! :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...