Wednesday, June 11, 2008

sa Pagsasalita

minsan mahirap maging madaldal kasi kapag tumahimik ka, may magtatanong.
anong problema? malungkot ka?
kahit ikaw, keber lang. wala lang. ayaw mo lang talaga magsalita.

minsan mahirap maging madaldal kasi kailangan gumana yung utak mo ng 24/7. alangan naman kasing salita ka lang ng salita tapos puro nonsense din lumalabas sayo or vulgarity db? mas mabuti talagang manahimik ka na lang pag ganon.
minsan mahirap maging madaldal kasi nakakatuyo ng laway din. saka feeling ko pag madaldal ka, mapapanis din yung laway mo kasi pasok ng pasok yung hangin sa bibig mo. eh di ba pag ang mga pagkain nga pag mashadong nahahanginan napapanis. pag di nahahanginan, napapanis so parang ganon lang din ata ang bunganga ng tao.
minsan mahirap maging madaldal kasi mamaya kung anong mga bagay ang pumasok diyan sa bibig mo. langaw, lamok, ipis na lumilipad, dumi, alikabok at lahat na. yak. kadire.
minsan mahirap maging madaldal kasi mauubusan ka ng words as in vocabulary words. mashado naman kasing pangit kung puro same words ang ginagamit mo sa isang conversation. puro kyeme or churva or chenes.
minsan mahirap maging madaldal kasi mamaya salita ka ng salita eh di ka naman pala nakukuha nung kausap mo. either malabo ka talaga magsalita or sadyang mabagal lang mag-pick up ang iyong kausap. sayang ang effort.

pero masaya ang magsalita. :) kaya ako hanggat may gusto akong masabi or gustong isabi salitain at ano pa man, magsasalita ako. keber kung mahirap magsalita eh ako di nahihirapan eh. except sa mga moments na mentioned above. hahah! di pa naman ako napapasukan ng elemento gaya ng lamok ipis at iba pa. buti naman :P

2 comments:

kingdaddyrich said...

mahirap talaga pag nakasanayan ka na ng mga hindi gaanong malapit sayo kung ano ka sa paningin nila

walang ibang pwedeng mas makakilala sayo kundi sarili mo. :D

allknowing superboi said...

hahahah feeling ko para itong comment mo sa isang post ko.

pero totoo... mahirap talaga pag nakasanayan ng ibang tao ung kung ano ung sa tingin nila na ikaw..
:D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...