Friday, July 4, 2008

Disclaimer

okay. so kamusta na naman sa akin. napagkakamalan na naman ako ng mga kaibigan kong may syota ng walang kalaban laban.

lagi na lang ako napagkakamalan ng mga tao na ganito ganyan.

alala ko noon, nung may pasok pa ako sa kolehiyo, ika huling taon ko na,, aba ang daming kumakalat na meron na daw akong boyfriend after a very long break of not having any.

at wag kayo, lahat ng tao non, feeling ko eksayted na malaman na may syoting na ako. tuwing makikita ako, bukang bibig nila, Ate Sam sino na ang boyfriend mo o minsan naman, Hay  nako si Sam hindi marunong magshare.

catch pa marami pa akong kakilala sa labas ng kolehiyo at sa iba pang colleges sa USTe.. so pati ung mga taga ibang buildings na kakilala ko eh nakiki usyoso na. so parang ako, whaaat the hell hahahah nakakatawa kayong lahat.

ang pinaka panalo pa was ang mga propesor ko non, especially ung chair ng department namin, aba nagsasabi na nakikita ako with someone... so scary di ba. at talagang kinakalat niya yun non. sushal. kaya pati ung mga ibang propesores ko noon ay nakiki joke joke-an na para malaman kung sino ang itinitibok ng puso ko daw.

kaya halos ilang buwan akong may imaginary boyfriend na ikinaloloka ng mga kaibigan ko dahil wala akong sinasabi. marami silang hinala, ung iba ng malaman ko, ay wahahhaah nakakatawa na lang. ung iba parang napaka di pwede...

mula kasi ng nasaktan ako dun sa isa nung 2ndyr college at thirdyr, medyo natengga ako na wala. mega busy to the nth power na ako non. ayoko ng kahit ano. kaya nung lastyr ko sa college, maraming malalandi, so sige sige lang. at pag may nalalaman ang mga tao non na ganon, ay panalo, parang may fiesta talaga.

so ngayoooon... eto na naman po ako.

nauulit na naman ang masigabong balita na iyan. ang dami na naman nagsasabing mashado akong blooming at masaya ng ilang buwan na. pwede naman ang tao maging masaya ng walang lalaki sa buhay di ba? pero oo masaya ako kasi may nakakapagpasiya sa akin. at masaya ako kasi nakukuha kong maging masaya para sa sarili ko na ulit.

at naging malungkot nman ako ng ilang weeks din ah. hahaha

panalo lang....

kaya baka may makabasa na naman nung Happy Anniversary Sa Atin na entry...

disclaimer lang po... hindi yan para sa lalaki... para yan sa org na mahal ko :D

2 comments:

Anonymous said...

it's either may kamukha ka na may boyfriend or blooming ka lang talaga. i'm guessing it's the second one.

napansin ko lang, mas madami kayang may bf na mukhang losyang. mashadong complacent kasi love na daw sila ng bf nila as is. hehe. :)

enjoy the compliments na lang! happy weekend ahead! hehe. ;P

goodbye heartbreak
www.life-after-heartbreak.com

allknowing superboi said...
This comment has been removed by the author.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...