Thursday, July 24, 2008

Gusto ko maglakad

Na-try niyo na ba maglakad mula sa isang lugar papunta sa isang lugar na sobrang malayo?

I have.

Nalakad ko at ng isa kong matalik na kaibigan ang kahabaan ng Espana, Quezon Avenue, QC Circle at Commonwealth Avenue (tapos ako ng dalawang village papuntang bahay ko) noong December last year, huling taon namin sa kolehiyo.

Actually, matagal ko ng gusto noon pa malakad ang kahabaan LANG ng Quezon Avenue kasi nakikita ko noon yung mga metroaide na nililinis ung kahabaan nga ng Quezon Avenue tapos naisip ko, siguro di naman ganon yun kapagod lakarin.

Yun lang yung pangarap ko non, ang malakad ang buong Q. Ave. Malay ko naman ba na darating sa puntong mula UST hanggang bahay ko eh malalakad namin di ba? Pero masaya.

Paano kasi depressed ako non sa Thesis namin. Feeling ko non, lahat ng mga blessings na umapaw apaw na nakuha ko buong taon ng 2007 ang kapalit ay ang pagdudusa ko sa Thesis (adviser talaga un problema non). So yung Multiply ko non, pag nabasa ninyo siguro puro hinanaing sa buhay... parang kala mo magpapakamatay na ako non sa sobrang down.

Eh ugali kong maglakad kapag gusto kong mag-isip... which is palagi. Kaya mahilig ako maglakad... pero nang araw na yun, gusto ko mag-isip... pero hindi ng sa thesis kundi nang ibang bagay maliban sa thesis kasi mababaliw na ako non. Kaya ayun, sinamahan ako ni Nikki na maglakad... ilang oras din un...

Kung gusto niyo basahin ang adventure na iyon iclick ang smiley na ito --> ^_______^

Ngayon, gusto ko ulit maglakad... malayo ulit na lugar... ung tipong ust hanggang bahay ulit. Gusto ko kasi makapag isip ulit dahil medyo mababaliw na ata ako kaka-kimkim sa mga kabagayan...

Nag-iisip pa ako kung saan ako pupunta. Wala akong paki kung may kasama ako o wala... basta gusto ko lang maglakad. Ayoko naman ng walang end goal ang paglalakad ko... mahirap naman kasi na mawala at baka di na ako makabalik.

Basta gusto ko maglakad.

Kayo ba naglalakad pag gusto niyong mag-isip isip?

14 comments:

iPOB said...

walking is good for the heart.. =)

leviuqse said...

nilakad ko dati from sm megamall to sm north edsa nung highschool!

nagshort ng pamasahe^^

canky.is.me said...

hobby rin namen yang paglalakad. lakad ng lakad gang san dalin ng mga paa. papalaki lang ng muscle sa binti ganon haha. sa totoo nian, kiber ang layo basta marami kau at may kadaldalan diba? haha.

kame nalakad na namen mula school hanggang robinson malate. dumaan pa kame ng manila zoo at roxas blvd. haha bale mula vito cruz station ng lrt un gang pedro gil.:D

allknowing superboi said...

ipob! :D

uh.. both literally and figuratively speaking.

=)

allknowing superboi said...

wow, ayos... edsa kung edsa ang nilakad mo...

dati naglakad din kami pero maikli lang naman un nilakad namin kasi literal walang natira sa pera namin para makauwi nun college.. sinimot ng mga tv productions. ssheeesh!

ahahahh reminiscing.

allknowing superboi said...

hahahah! oo naman... pampalaki ng legs. wahahha!!! pero kebs basta good for the heart naman.

ay meh kasama talagang pasyal sa zoo, un un eh! hahaha :))

karmi said...

mama sam.. :)

ako lagi kong nilalakad ung kahabaan ng Aurora Blvd. pauwi sa amin, lagi kasing trapik sa Cubao. :P

oo, mahilig akong maglakad lalo na kapag gusto kong mapagisa at magisip.. it really helps kasi papayat na ako, naso-sort out ko pa ung mga bagay-bagay.. u know.. arte. hahaha..

tara, paguwi ko dyan, maglakad tau.. chikahan galore ito.. :)

ingatz lagi mama sam.. mwah!

yods said...

masarap maglakad, masarap magisip habang naglalakad. wag lang masyado laliman ang pagiisip dahil baka di mo mapansin at mahulog ka sa malalim na butas!

ka bute said...

masayang maglakad pag may ka-holding hands. hehehehe. juk lang ;)

gillboard said...

hindi kalayuan, pero madalas nilalakad ko mula opisina (ayala cor buendia) papunta ng glorietta.

masarap mag muni-muni ng mag-isa. Pero mas masarap kapag may kasama at nakakausap.

kaya pudpod lahat ng sapatos ko. :D

allknowing superboi said...

MOMMY KARMI! :D

oo, actually kaya ako nahilig sa paglalakad (which is nung pagtungtong kong college, year 2004) ay dahil sa gusto ko pumayat, na nangyari naman pero kamoono binawi ko na ulit ung lost fats. heheh :))

masaya maglakad kasi parang ang sarap ung feeling na loner ka, walang makikialam sayo ganon :D

Sige pag uwi mo, lalakarin natin mula hotel hanggang sa simbahan kung san ka ikakasal. wahahhah :D

joke lang mommy :D

allknowing superboi said...

YODS!

meh clasmate ako dahil ang lalim ng iniisip (at baha sa espana) muntikan ng mahulog sa manhole na bukas...

pasalamat siya meh kasama siyang nahawakan siya kundi patay tayo baka nagdadiving na siya sa ilalim ng mga kalsada sa may man hole banda...

ang dami kasing iniisip eh.

allknowing superboi said...

KA BUTE!

oo naman... wag mo ng sabihing joke kasi totoo naman yan.

pati masarap maglakad pag gabi at meh stars at masaya at masarap kausap ang kasama mo.

allknowing superboi said...

GILLBOARD!

hahaha ako din pagpapasok sa trabaho...

mula ayala station ng mrt hanggang sa likod ng AIM. hahahah :))

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...