Thursday, July 3, 2008

Happy Anniversary sa atin.

kilala mo na kung sino ka.

masaya ako sa nagiging buhay ko kasama ka, at naniniwala akong sa mga darating pang taon ay mapapanatili nating masaya ang mga buhay natin na magkasama.

sa totoo lang, hindi ko maisip kung paano tayo nagtagal ng ganito katagal... ikaw pa naman ang ugali mo napaka demanding. talo mo pa ako sa pagdedemand eh. at kahit alam mo na ayoko na kino-control ako, nagagawa mo akong hawakan ng mahigpit na hindi ako nasasakal.

ikaw, lagi mo ako pinapaiyak. akala ko darating ung araw na matatapos ang isang bagay na magkasama natin ginagawa na hindi ako iiyak. pero wala, lagi na lang. ilang balde na nga ang nailuha ko para sayo. pero alam ko naman na mahal mo ako eh. at sa dami ng luhang ibinigay ko sa iyo, pinalitan mo naman yun ng mas maraming memories at tawanan. sapat na yun para mapalitan ang mga luha.

salamat sa yo. kasi nakilala ko ang sarili ko. salamat kasi ng dahil sa iyo, napatunayan ko sa pamilya ko, sa buong mundo, at higit na sa akin na mas malaki pa ang ibubuga ko sa buhay. wala nga talagang papalit sayo sa puso ko.

hindi man ang relasyon na ito ang tipo na pwede kong iharap sa altar balang araw (kasi kahit gusto natin, may iba pang magmamahal sayo at sa akin, wag na lang tayo maging selfish), ipinagpapasalamat kita. at naniniwala ako na magkaroon man ako ng iba pang karelasyon sa darating na panahon, ay mananatili kang una sa puso ko. wala sayong papalit. pangako.

sa ngayon, masaya ako na nariyan ka padin... paminsan minsan akong pinapasaya sa tuwing magkasama tayo. iba na nga talaga siguro ang pinagsamahan natin na kahit na marami na ang nangyari, makakalimutan natin ang mga sakit at mapapalitan ito ng siya.

mahal na mahal kita, at ngayon na mas may bago kang pwedeng mahalin, hahayaan kitang doon muna... pwede naman kitang mahalin na wala sa akin ang atensyon mo eh. alam kong mahal mo rin naman ako kahit na ganoon.

ang tagal na natin, at masaya akong ganito tayo. balang araw, pag may nakilala na akong kapantay mo sa puso ko o baka mas hihigit pa siya sayo, ipapakilala kita sa kanya ha?

lab lab kita =) at alam kong mahal na mahal mo rin naman ako.

sabi nga nila:

i love you and you will love me back.
lubos lubos mo akong minahal.
salamat.

happy anniversary.

tayo tayo na lang ang magkakaintindihan ... july 03 ngayon eh.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...