Sunday, July 20, 2008

Mukha ba akong pera?

Nung ako ay nasa kolehiyo pa lang... Shempre aktibo ang superboi sa maraming ka-organisasyon-an sa uste. At ayun na nga, sa tuwing may ka-event-an sa uste, malaki man o maliit, may kinalaman man ang administrasyon ng uste o ang mga org ko lang ang pasimuno, laging trabaho ko ay ang mangalap ng sponsors... maglabas ng pera... magmanage ng pera... magmanage ng produkyon at lahat na ng may kinalaman sa pera. ang masaklap pa minsan, ay tipong 5+ big big events ako ang maghahagilap ng pera. shempre hindi nung isa't isa alam na ako ang tagahagilap para sa kanilang lahat kasi naman magagalit un isa pag nalaman na ang ganitong pera eh binigay ko dun s isang event kesa sa knial and vice versa. pero tumbling lang.

First year pa lang ako nung college, ang tawag na sa akin ng mga senyores ko non, Kaching kaching! kasi daw tuwing dadating daw ako, according to kuya roi, eh feeling daw niya may pesos sign daw talaga akong kasunod. kamusta naman un? tapos ang pangalan ko daw... ung -S- eh dollar sign na.

Mula noon tuwing tatawagin ako, kaching kaching ang monicker hano. Fiiineeee. Tapos tuwing may problema ang mga tao sa pera... kailangan maglabas ng pera para sa ganito, mag abono sa ganoon, ang laging takbuhan, hulaan niyo kung sino? ay naman! Ako. mga panalo lang. kahit na tuloy sakto na lang ang pera ko, kung tlagang kailangan, naibibigay ko. Shempre mas kailangan nila... at nung mga panahon na kailangan ni chorva ng isang prod namin ng ganitong pera ganitong sasagot sa posters tickets at lahat na, ako ang nagpaka superboi... well, in one day i got the more than 20K dat she needed and the free posters tickets and everything else. nung kinailangan ng mga churchur ng sasagot sa pagkain, ako ang tinakbuhan, in one day meh congo grille galore food sila plus other restos pa. basta lahat ako noon. na minsan gs2 ko na isuka ang ginagawa ko pero di ko naman magawa. hehehe

So aun, madalas ng college ako, ang wallet ko sagad. kasi pag wala pang sponsor pera ko muna. Pero naman! oks lang kasi atleast may natutulungan at nagbabalik naman sa akin ng blessings non si God. sa sobrang dami, napasabi na nga ako ng "Ako na nga ang may ari ng universe"... yan, kaya din nagsimula ang copy na yan. hehehe.

Kakatapos ko lang ng college, mga 3 months ago. At wala na akong organisasyon na pinagkakaabalahan mashado pero eto pa din ang mga tao, ako pa rin ang takbuhan pagdating sa pera... para mangutang for personal use nila. para malaman kung sino ang dapat kausapin sa sponsorships. para malaman ang trick ng pagkukuha ko ng mga sponsors non na malalaki.

on the latter, minsan hindi ko alam ang sasabihin. iba kasi ako pag mangausap ng tao. siguro dahil na din sa debater ako at mahilig makipagkapwa tao kaya nakukuha ko ang mga sponsors ko non ng isang upuan lang at daldalan. eh iba naman ang mga ugali ng mga taotao...

nung isang araw, may 3 tao na nagutang sa akin... kakasweldo ko pa lang. kahit na ako ang magbabayad sa bahay ng electric bill namin na mga 4K at idamay pa ang dsl (oo masaya na ang mga magulang namin dahil kaming magkakapatid na ang mga nagbabayad)... bigay pa din ako. wala naman ako reklamo kasi shempre kung magrereklamo ako tapos nagbigay ako eh di sana di na lang ako nagbigay diba..

pero naisip ko lang... paano kaya kung biglang one day tumanggi ako...

hmmm...

hindi naman kasi ako mayaman. purita nga ako eh. saka para maggrow din ang mga tao. hindi naman ako forever na asa mundo...

hayaan na nga... ibabalik naman ng Diyos ang nararapat para sa aming lahat.

naglabas lang ng naiisip. ngayon meh tinuturuan ako para maghanap ng pera.. hehehe!!! kunyari magaling lang ako, pero hindi naman talaga. heheheh.

pasensha... nabombard ako kasi eh ng mga kausap ko lately about sa pera. pero oks lang naman :D heheheh :))

4 comments:

kat said...

na-discouraged akong magpahiram ng pera simula nung may umutang at di na binayaran. pamasahe daw nya yun para makapagtrabaho sa Cebu. mahigit isang taon na ang lumipas at nabalitaan kong nakapagtrabaho nga sya. siguro naman eh mababayaran nya na ako kasi ako naman ang may kailangan ng perang yun.

ang hirap sa mga ganyan, kapag nagigipit, hihingi ng tulong. tas kung ok na lahat, ayun, parang wala lang nangyari.

allknowing superboi said...

hahah may isa kasing beses, hindi ko pera, pera ng org ang hiniram at uber laki niya... eh ako may hawak ng bank accnt ng org so pag di nabalik un, di ako gagraduate, mamarcha, no good moral, at lahat na...

kaya nung medyo ilang buwan na hindi nababalik un pera, hahaha masama na kung masama pero sinira ko talaga pangalan niya at pagkatao niya...

kaya siguro di rin ako ginagantsuhan ng ibang tao pagdating sa pera dahil alam nlang naninira ako ng reputasyon pag inisahan ako.

=)

at saka naniniwala ako na when you trust a person, mafi-feel nila un and they will not put your trust in vain.

=)

just trust people...

kat said...

yung taong yun, i trusted him pa naman. kaya nga i let him borrow the money kahit di ako usually nagpapahiram. pero wala na, ni minsan di man lang nagparamdam na babayaran nya 'ko one of these days.

di naman importante yung amount. what i hated was him saying he will pay me back. he couldn't at least appreciate the truest i gave him. now i'm thinking maybe he just said that para pahiramin ko sya. naiinis ako pag naiisip ko yun.

feeling ko he didn't bother to pay me back because he thinks i don't need the money. how i wish kaya kong gawin yun ginawa mo. ala akong ganung guts.

:) but you're right. i know that feeling about knowing the trust people give in you.

allknowing superboi said...

true.

hindi naman talaga importante ang amount... un tiwala.

well... wag mo ako gayahin kasi trust me... nanira talaga ako ng pangalan. bad siya pero kinailangan ko eh..

jst trust. :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...