Sunday, July 20, 2008


MY TAKE:

Dont expect na porke maganda
ang mga sinasabi ko sa simula ng blog na ito eh sa pinaka dulo
maganda ang sasabihin ko about sa movie...

gustong gusto ko ung scene kung saan kinakanta nila ung "Because" tapos un scene naging surreal underwater montage. ang sexy lang :D heheheh :))

gusto ko din ung mga moments kung saan si Jude ay grabe lang tingnan si Lucy... waaaaah!!!! like ung sa bowling arena (tama ba? arena ba tawag dun?) na siyang simula ng pagkakagusto niya ke Lucy tapos kinantahan niya pa ng "I've just Seen a Face" na wow lang! ang ganda ng boses niya.

nung pinapanood ko un movie tapos may part na nise-sketch niya (ni Jude) si Lucy habang natutulog, at shempre si Lucy eh well, naked pero meh cover din pero medyo slightly nude pa din... naisip ko, sana may makilala akong lalaking ise-sketch din ako... not necessarily na naked din naman hano pero ung ganon... full of love and everything, tapos eh kakanta siya
habang natutulog ako ng "Something"

maganda ang movie kasi nakuha nilang pagtagpi-tagpiin ang mga "stories" sa bawat kanta ng The Beatles. idagdag mo pa ang napaka huhusay na rendition ng mga kabataang nagsipag ganap sa movie ng mga kanta ng beatles. panalo lang talaga.

mapapa-awww ka sa kung paano nila kantahin ung mga songs. tapos panalo din ang editing at direction at production design dahil sapagkat datapwat makulay ang buhay talaga sa movie.
promise panalo talaga. trust me. heheheh :))

Tapos si Prudence, ang ganda ng version nia ng "i wanna hold your hand" habang tinitingnan lang niya sa malayo ang crush na crush niyang cheerleader. at take note, cheerleader din si ateng prudence.

ayun lang. WATCH NIYO NG MATUWA DIN KAYO. wag lang kayo aasa na all gooey and mushy yung movie coz its not... actually medyo more on sa revolution nga siya non 1960's kesa sa loveydovey eh. or pwede din na... wala talaga story ang movie na ito kasi pinilit lang naman itagpi ang mga kanta ng Beatles pero well... everything is a matter of perspective.

Marami ang nagsasabing di naman ganon kaganda ang movie. Siguro kasi pinilit nilang isipin ang mga bagay na dapat ay hindi nila inexpect sa movie.

Across the Universe, is all about the revolution. Segue lang ba na may love love na nagaganap dahil alam niyo naman at sabi ng beatles song ay, "All you need is love" nga. Yun ang laging chorva ng mga films Pero aun... watch it so you can appreciate The Beatles' songs and the art direction of each song's sort of MTV sa movie.

nice nice. watch.

ang alam ko lumabas ang movie October of last year pa sa Tate... pero this year lang ata ilalabas sa Pinas... malapit na ata.

and yes, hindi po ito movie review... random feelings ko lang about the movie.. madugo ang gumawa ng movie review kasi. at medyo sawa na ako sa ganon nung college. maybe next time. hahaha

yeah. disclaimer. :)

4 comments:

gillboard said...

isa ito sa pinakagusto kong pelikula... maganda nga yung mga parts na kumanta sila ng I've Seen A Face at Something. Isama na rin yung Let It Be.

canky.is.moi said...

napanood ko to sa oprah and pinromote nia ung movie. sinumpa kong papanuorin kaso gang ngaun di ko pa nagagawa.:/ lech. hahanap aq dibide nian.

-- ANG GWAPO NG BIDA DITO bat ganon?

allknowing superboi said...

@gillboard

hahaha korek di ba ke ganda... makulay kung makulay!

sayang lang kasi kung storywise ang usapin, di established ang mga tauhan sa kwento...

kinakailangan mo siyang iappreciate per song...

allknowing superboi said...

@canky

aakung wala ka mahanap na dibidi... magwatch movies.net ka... search mo across the universe then first rip then watch online :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...