Wednesday, July 23, 2008

PSYCHOsomaTIC

Dahil wala naman ako alam sa mga medical terms, kebs ko sa sinasabi ng world of medicine...

Two Three Years Ago... Meron daw akong Cervical Spondylosis tapos inverted din daw ang cervical spine ko sabi sa UST at sa Phil. Orthopedic Hosp (nang di ako naniwala sa uste :D). Nang ni-research ko naman sa internet kung ano ang cervical spondylosis eh parang ang weird naman kasi di naman ata siya mega uber isang sakit hano... parang uhhh, arthritis ng buto. Yaaak ke bata bata ko pa eh may arthritis na ako... at take note, sa buto? Eh di ba ang arthritis eh sa muscles (okay patawarin ako ng mga mapapadpad dito na mga may alam sa ganyan dahil wala akong alam hokei kokey?) Wahahahhaha!!! O eto, medyo medyo konting explanation mula sa U.S. NATIONAL LIBRARY OF MEDICINE:

Cervical spondylosis is a disorder caused by abnormal wear on the cartilage and bones of the neck (cervical vertebrae) with degeneration and mineral deposits in the cushions between the vertebrae (cervical disks).
Alternative Names: Cervical osteoarthritis; Arthritis - neck; Neck arthritis
Cervical spondylosis results from chronic degeneration of the cervical spine including the cushions between the neck vertebrae (cervical disks) and joints between the bones of the cervical spine. There may be abnormal growths or "spurs" on the vertebrae (the bones of the spine). These accumulated changes caused by degeneration can gradually compress one or more of the nerve roots. This can lead to increasing pain in the neck and arm, weakness, and changes in sensation. In advanced cases, the spinal cord becomes involved. This can affect not just the arms, but the legs as well. The major risk factor is aging.
By age 60, 70% of women and 85% of men show changes consistent with cervical spondylosis on x-ray.

Wow! Panalo. MATANDA NA AKO? Shucks. So wala akong naintindihan non nung ine-explain nila sa akin kung ano yan. Nanay ko naman kasi kasama ko non so parang, hello mama, ikaw nalang ang umintindi sa sinasabi nila? Dahil aktibo akong bata noong kolehiyala pa ako (OO BABAE NGA AKO), kahit sinasabi nilang inumin ko si gamot na ganito si pain killer na ganon si lahat na, never ko un ginawa. Pati ung pagsusuot ng neck brace? Potek, ke init. Tuwing suot ko yun, aba puro reklamo abot ng multiply and friends ko sa text dahil di ko naman masabi sa mga magulang ko na ayoko kundi pinalo ako non sa pwet. so aun nga... Sinusuot ko lang yun pag asa bahay ako or pag pinagalitan...


So medyo nakalimutan ko na nga ang problema ko sa buto... Though reminder ang once in a while na pangangawit ng leeg ko, pagkawala ng sensation ng mga paa or kamay kamay ganon...

Kanina habang nasa Rockwell ako, eh bigla lang naman ako nagpanic... Kasi habang tambay mode ako at si Tin eh at inaantay si D eh biglang woooh wala ako maramdaman. Wala naman akong nakain nainom or what... Bigla lang sumakit si buto and then poof wala ng nerves ata si paa at si kamay. Di naman ako makagalaw galaw ng whatever lang kasi si Tin, di naman niya alam yun ganon at saka parang ang off naman asa Rockwell ako biglang iuuntog ko ung paa ko or kamay ko wherever ng magka sensation di ba? Whahaha!!!

Ngayon di ko alam sasabihin ko sa mga magulang ko... kung sasabihin ko bang umaatake na naman ang leeg kong makulit (kasi for sure eh papagalitan na naman ako at sasabihing ayan kasi saaaam matigas ulo mo at tatakutin akong kailangan ko na operahan pag sumuway pa ako) or ipagpapatuloy ko ang paniniwalang, psychosomatic lang ang cervical spondylosis na ito.

Gaya ng dati, dala daw ng marami akong ginagawa sa buhay kaya ganon nalang daw nag tear ang mga ka chorvahan ko dun. Gaya ng dati naniniwala akong stressed lang ako. Disappointed lang ako. Napapagod lang ako. Oo... un na nga lang... STRESSED lang talaga ako. saka baka meh tendency din akong magkaron ng hypochondria disorder (oo un lahat nalang may sakit siya wahahah yak ah pwede ba!)

Sinagot ko din ang sarili kong tanong di ba? Wahahahah!!! LAHAT ng karamdaman sa mundo, psychosomatic lang. Oo, psychosomatic lang talaga...

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...