Friday, August 8, 2008

past Silk Cut Cigarettes Billboard degraded women

"DONT JUDGE A BOOK BY ITS COVER"

totoo yan... this will make your brains go tumbling over and over and over...

isinulat ito ni David Lodge, isang nilalang mula sa Britanya, noong 1988. isang taon mula ng ipinanganak ako. ito ay nanalo ng awards dahil naman naman naman panalo lang talaga ito. AT ginawa din pala itong TV series na sana pala ay naabutan ko at napanood pero sadly hindi kasi well... wala pa naman ako paki alam non sa mundo hano. paki alam ko pa lang non sa iinumin kong milk na ititimpla pa.

-okay fine di ganon nakaka entice ang cover pero ang laman naman eh
whappaaack! panalo. sabi nga nila, dont judge a book by its cover.-


MASAYA ANG LIBRO.
Intelektwal siya promise as in... dudugo kahit paano ang utak niyo dahil andun lang naman sa libro ang mga teorya nila Freud, Marx, Churchurchorva, at ng maraming marami pang mahilig tumerorya... Isama mo pa ang pagkakaroon ng isang pemenistang babaeng karakter na maraming say sa mundo at isang capitalist chorvaloo na lalaking karakter na naaattract sa babeng peminista.

Sa libro, pinagnanasaan nila ang mga utak ng isa't isa, at ang kaibahan ng pagtingin nila sa iisang lipunan na ginagalawan nila.

Ang librong ito, nabasa ko hayskul pa lang ako. Inulit ko nung college ako, at inuulit ko ulit siya ngayon. hindi kasi nakakasawa, at parang sa bawat basa mo ng mga pahina kahit na noon naman ay nabasa ko na siya, ay parang tila may bago ka ulit makukuha.

Siguro kasi nag iiba ang eksperyensya ko sa buhay at iba't ibang panahon ang saklaw ng buhay ko na yun nung binabasa ko ang Nice Work.

I RECOMMEND THIS BOOK!
Kung gusto ninyong mas maintindihan ang mga babae ang way of reasoning nila,check it out.
Kung gusto niyo intindihin ang mga lalaki ang way of compensating for what they lack sa ego nila and ang paraan ng pagkuha sa kanila ng power (ego wise) na from the very beginning ay maaari palang wala or pwede din na meron sila.

Kung gusto ninyo malaman kung ano ang meron sa Silk Cut Cigarettes at kung bakit eerrr... bastos siya at nakakadegrade sa mga babae... check it out.


Astig na libro. BASAHIN NIYO. HANAPIN NIYO yan ha.

1 comment:

Anonymous said...

Google the best SE!
http://www.google.com
[url=http://www.google.com]Google[/url]
Google!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...