Monday, September 1, 2008

Huwag Nang Ipilit

by Vince de Jesus
(http://vincedejesus.multiply.com/)

Ang sumusunod na liriko ay aking narinig sa Agnoia na siyang shinowcase ng mga kaibigan ko sa PETA nung summer. Nagustuhan ko kasi ang ganda pero bawal kasi i-pirata dahil malamang hindi naman atin ito kaya pinagtiyagaan kong kuhain ang mga titik sa loob ng kanta...

Ang kompositor ay napaka husay na alagad ng sining. Bisitahin niyo ang multiply niya. Siya po si Vincent de Jesus.

-------------------------------------

Hindi ito isang panaginip na mawawala na lang bigla paggising ko
Hindi makikinig itong aking puso anumang pakiusap ko
Pag-ibig nati'y isang awiting hindi tugma ang titik sa tono
Anuman ang iyong gawin hindi pa rin tama anuman ang pilit mo

Kaya't atin ng bitawan binubulong ng pusong ito
Huwag nang pilitin kung mayron lang masasaktan
Kaya wag nang ipilit
Wag na lang..

Ang tunay mang pag-ibig ay ang pagpaparaya ng minamahal
Madurog man ang puso ito ay gagawin para lang sa'yo
Masakit man sa damdamin ito ang kailangan nating gawin
Lilipas ang panahon ang lahat ng 'to'y malilimutan natin

Masakit mang bitawan sinisigaw ng pusong ito
Tatalikuran ko kung mayron lang masasaktan
Hindi ko na ipipilit, kaya atin ng bitawan
Binubulong ng pusong ito
Huwag nang pilitin kung mayron lang masasktan
Kaya 'wag nang ipilit (kaya 'wag nang ipilit)
Wag na lang...

At shempre kamusta naman sa luha ko.

9 comments:

teresa said...

Masakit mang bitawan sinisigaw ng pusong ito
Tatalikuran ko kung mayron lang masasaktan
Hindi ko na ipipilit, kaya atin ng bitawan
Binubulong ng pusong ito
Huwag nang pilitin kung mayron lang masasktan
Kaya 'wag nang ipilit (kaya 'wag nang ipilit)
Wag na lang..


hindi man eksaktong ganyan,
pero yung thought ng mga binitawan kong salita kay ex ilang buwan na ang nakakalipas ay kahalintulad niyan.


kumusta naman at sapul na naman ako ng entry mo.@_@

allknowing superboi said...

waaaah sorry naman! hahahaha :))

haaay kung kaya ko lang isend sayo ang tugtog mismo ay kamooon baka mapaluha ka gaya ko...

hmm, u want? wag mo lang ipagkalat na after hahaha

teresa said...

ay sige,sige!
like ko yan.

eto e-mail ko.
alegna_07@ymail.com

thnx!
^__*

..... said...

wow gusto ko ring marinig ang melody nito. haha

so laslas-worthy ang lyrics. ugh.

allknowing superboi said...

TERESA:

waaaaah. magkakaron ako ng isang napakalaking kasalanan.

Hindi ko na maaaring isend ang tugtog dahil ibinilin ni sir vince na wag ipagkalat.

just keeping teh promise.

sorry... malalabas din yan in time :D

allknowing superboi said...

......

errr, kung sino ka man.. sory, di na pwede. basta sad sad sad as in maiiyak ka ganon na tugtog. :D heheheh

allknowing superboi said...

....

sus ginoo! si ano ka pala kaibigan ni aine. hahahha :))

teresa said...

ay ganun?
hehe...okay lang.

wait ko na lang,kung kelan yan ilalabas.

sa lyrics na lng muna ako.
hahaha.

allknowing superboi said...

sorry teresa. :( ask ko siya...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...