Sunday, September 21, 2008

Last Day

Noong biyernes (o819o8) ang huling araw ko sa opisinang aking pinag-OJT-han isang taong mahigit na ang nakalilipas, pinag-part time-an isang taon eksakto na ang nakalilipas at pinagtrabahuan ilang buwan na ang nakararaan.

Ang aking opisina, trabaho, at sweldong pinagkaka-inggitan ng lubos ng aking mga kaklase at mga ka-kurso ay aking iniwan na dahil sa nais kong hanapin na muli ang aking sariling nakain na ng sistema ng mundong mapagpanggap.

Masaya ang mga naiwang memories naman sa akin ng aking pinagtrabahuan. Hindi naman ako babalik at babalik sa kanila kung hindi naman naging masaya ang mga panahon na inilagi ko sa kanila. Pero gaya ng kahit anong bagay, darating ka sa punto ng buhay mo na magsasawa sa kung ano man ang mga nangyayari sa iyo doon. Hahanap at hahanap ka ng growth at ng essence sa bawat trabahong ginagawa mo. Hindi ka papayag na maging stagnant sa kung nasan ka man ngayon... iyon na ako.

Siguro kung dito ko inilalagay ang lahat ng mga pinagpopopost ko sa multiply ng ilang buwan na ay malalaman ninyo kung gaano ako nakain ng sistema ng mundong ginagalawan ko... pero that is another story.

bata pa ako. helloooo kakagraduate ko lang naman din hano. pero ewan ko siguro tama nga sila. ang mga nasa advertising industry (or siguro sa iba na rin na fields) ay hindi kahit kailanman mapipirmi sa iisang lugar. hahanap at hahanap pa rin ang kung sino man ng lugar na paglalakihan niya at pagkukuhaan ng bagong mga karanasan.

masaya ako sa ilang buwan ... halos mag iisang taon na rin kung tutuusin na pakikipagdaupang palad sa mga taong gumagawa ng mga hinahanggaan ninyong mga advertisements mapa telebisyon man, radyo o print. maipagmamayabang ko na 3/4 ng commercials na napapanood ninyo, naririnig, nakikita at kung ano2 pa ay nagmumula sa ahensyang minsan naging parte ako.

pero higit na mas masaya ako na finally mahahanap ko na rin ang sarili ko. masaya kong sinabi na ayoko na. at masaya akong nagpaalam at nicelebrate ang huling araw ko sa kanila.

sa wakas, makakapagbakasyon na ako at masasabi ko rin na yehey i am unemployed.

give me 2 weeks or a month, i'll be back sa industry na ito or malay natin malihis ako ng landas.

4 comments:

Aps said...

ako din buraot na ako sa work ko, and i've been there for almost three years as a temp employee (no benefits). gusto ko na din umalis kaya lang ung ibang work mas mababa ang sweldo hehe.

btw, nice, advertising. shet. overflowing with creative juices. hehe.

congrats on being jobless! and i mean that, i'm happy for you!

enjoy a life of bum-ness! ;)

teresa said...

tama ka-->hahanap at hahanap pa rin ang kung sino man ng lugar na paglalakihan niya at pagkukuhaan ng bagong mga karanasan.

ako man ay naghahangad din na mahanp ang lugar kung san magiging masaya ako sa aking ginagawa,pero dahil hindi pa ako mabigyan ng magndang pagkakataon,"pilit" ko na lang ina-appreciate kung asan ako ngaun,hehe!

enjoy urself sa pansamantalang bakasyon,gudluck sa paghahanap ng sarili.:-)

superboi said...

Hi Aps,


three years na temporary? ndi naman ata na yan makatarungan. kelan ka mareregular? kung kelan 65 ka na? anoba yaaan.


hahahah salamat salamat :D masaya din ako na hindi hahaha workaholic kasi ako eh

superboi said...

Hi Teresa,


kanyakanyang time ng soul searching.. pero mukha atang nagkakasabay sabay ang mga tao sa paghahanap sa mga sarili nila.

sana ikaw din mahanap mo kung saan ka talagang tunay na masyaa. un ang lagi mong isipin...

when you have self fulfillment all else follows :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...