Sunday, October 19, 2008

birthday.braces.blush.

Birthday ng isa sa mga kadugo ko kahapon. Dala na rin sa pang-aasar ng mga kaibigan niya na magpakain at inom naman kaya siguro ito nagpaparty. Parang ako kasi yun eh, hindi naniniwala na kailangan nagcecelebrate ng birthday. So ayun, kahit na dapat eh nasa ibang lugar ako kahapon kasama ang mga ka-edad ko at sarili kong set of friends, kumakain nanonood ng movies nag-aasaran nakikipag inuman at nagwawala, eh di ko nagawa dahil nga birthday niya. Hindi naman sa nagrereklamo ako... actually, hindi hindi... hindi na ako nagrereklamo. Wahahah! Siguro kung mga 7am kahapon niyo ako tinanong asar ako pero hindi hindi hindi na ako asar. Hahah!!!

Habang lahat sila kumakain kahapon sa sala sa dining at sa may garahe eh ako naman ay naka upo lang dun sa isang sulok ng sala at nag eenjoy sa panonood ng mga movies dito sa laptop. Nang biglang may lumapit sa akin... shempre naaburido naman ako na may tumabi sa akin. At dahil isa akong malaking isnabera, di ko siya kinikibo, ni tinitingnan. Malay ko naman kung dun siya kakain banda di ba at wala ng ibang maupuan. Saka isa pa, hindi ko din naman talaga kinakausap mga kaibigan ng mga kapatid ko... tatanda na kasi ng mga yon (kuya is 26? si manoy ung nagbirthday 24) saka karamihan sa kanila mga lalaki. Erk.

"Hi Sam! Kamusta ka na?" ako sagot lang ng ayos lang. nanonood ng movie. ikaw? nang hindi tumitingin kung sino siya dahil sa malamang hindi ko din naman siya kilala. "Ano pinapanood mo? Graduate ka na di ba?" sagot lang ulit ako ng ah One True Thing. Opo grad na po nung March. "Bakit mo ako pino-po? Kapatid mo nga di mo pino-po eh." hahah! eh mas matanda ka po eh. "Parang dati grabe lang kayo mag-asaran ni *name ni manoy* tapos ngayon graduate ka na." Ahhaha! Onga po eh! "O may boyfriend ka na, Sam?" Hahah! wala wala bawal.. "bawal? Hanapan kita gusto mo? anong gusto mo?" Ah sige hanap kang gwapo maganda ilong maganda mag smile witty matalino may pangarap sa buhay. kung pwede mas matangkad sa akin." at oo hindi pa din ako tumitingin. SIGE NA SIGE NA MALAKING ISNAB NA HO.

tapos hayun na tumabi na siya bigla sa akin sa sahig dahil ganon ako mag laptop naka upo ako sa sahig. sinisilip niya yung pinapanood ko at ako naman eh parang, "sino ba ito? ni wala akong kilala sa mga kaibigan ng kapatid ko. except ung sa highschool na matagal ko ng mga limot ang mukha" tapos nasilip ko sa gilid ng mata ko, shet yan! meh braces si boy. hmm?? sinong may braces ang kaibigan ng kapatid ko. at bakit kailangan may braces?? boohuhuhu! kasi ho mga kaibigan, kung hindi ilong, eh ngipin at ngiti ang sunod kong pinagdidiskitahan sa opposite sex. at akala ko eh matagal ko ng na outgrow ang kabaliwan ko sa mga taong may braces. but oh no oh no. ng makita kong may braces shet natuwa lang ako hanoooo. ang tagal ko na kasing hindi nakakakita ng taong ka edad ko or older na may braces. fine, loser na kung sa loser. hahahah!!!

tapos naglakas na ako ng loob na tingnan kung sino ba itong boy. para din malaman ko kung bagay ba sa peys niya ang may braces at baka mukhang braces lang sa ngipin siya. at hayun... *__________* (stars ung mata okei) shet yan. may braces ang ganda magsmile ang ganda ng ilong. pero hindi ko pa din siya kilala at shempre kinakausap lang niya ako ng kinakausap. siya na din kumuha ng pagkain ko dahil hindi pa din ako kumakain at ayun nagkwekwentuhan lang kaming dalawa walang paki dun sa iba hanggang sa kinakailangan na niya mauna at mag lalast full show pa sila ng sis niya ata ng tropic thunder.

tapos bago siya umalis sabi niya, nakalimutan mo na pangalan ko sam hano sad... ka-apartment ko kanila oswin yan kapatid mo sa UP... jay-r? ako naman smile lang (pero blangko pa din) ...remember ope**? at ayun na nga siya na nga yun! hahaha!!

haynakoo feeling highschool/elem lang ako kahapon. shet yan. nagkakacrush sa kaibigan ng mga kapatid ko. Whhahah! kadireee... pero nakaktuwa. nagkaka crush na ulit ako. ang tagal ng panahon na nagka crush ako na parang bata lang... parang elem highschool lang ngaaa...

backgrounder: nung elem ako crush ko kaklase at isa sa mga bestfriend ng kapatid ko, at may braces un. wahhah! at ngayon, kaibigan naman ni manoy... siya na ngaaa, isa sa mga crush ko nung highschool, at may braces din. wahahha!!!

bring back the boys with braces... hahah! i soooo love the feeling of highschool elem days. yung wala lng na feeling. hahaha!!! i know ang nonsense nito. hahah :P
-------------------------

at para sa kapatid ko na si manoy

happy birthday! balik suntukan na naman tayo pag nag away pero keri
kasi alam ko lab mo ako at sa darating na pasko eh tatlo tatlo na naman ang
regalo ko mula sa inyo. yehey to being the only girl at bunso sa pamilyang ito :)

nawa'y maging masaya at successful ka pa like bongga sa buhay.
pag may pera na ako reregaluhan kita ng lifetime membership sa peyborit
mong gym pramis! :P mwahmwahugsss

6 comments:

FerBert said...

huwaw ipin pala isa sa tinitgnan ng opposite sex.. medyo okay naman ilong ko yung nga lang panget ipin ko.. makapagbrace na nga rin.. hahaha

at oo parang HS din ako nung binabasa ko to.. hahaha..crush crush crush.. pang hs.. pero nakakatuwa.. hahaha

ki said...

cheers! :D

gillboard said...

ganun, kinilig sa braces?!

parang nasaktan naman ako dun sa matanda comment, 26 lang din ako...
=D

alex said...

ako i hate braces they freak me out

lunes said...

braces pala ang ang weakness mo sam..wehehe.. matagal na rin ako ng di nakakakita ng braces.

naaliw ako sa kwento..

SAMIEBOI said...

EFBEE: hahahah!!! hindi ko nirerepresent ang sangkababaihan haha!


KI: sino ka? hmm? cheers din!


GILLBOARD: wahahah sorry naman kasi mga kapatid ko matanda sa akin so feeling ko pag ka age nila or older, matanda na.. asa puso naman ang pagiging bata ng tao eh :)


ALEX: why, ang kyut kaya ng braces!


LUNES: actually ILONG ang weakness ko saka magandang smile.. braces kasi may pinagbabagayan :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...