Wednesday, October 15, 2008

Burgis ka ba?

MAGPAKATAO.
Ang kahirapan sa literal na aspeto ay nangangahulugan ng kawalan ng materyal na bagay gaya ng pagkain ng tatlong beses sa isang araw, walang kakayahang makapag-aral sa isang magandang paaralan, at hindi kayang tustusan ang mga pangangailangan maging ang mga simpleng karapatan nito bilang isang tao. Ngunit sa bawat isang tao, iba ang mukha ng tunay na kahirapan.

Kadalasan ang sanhi ng kahirapan ay ang pagiging insensitibo ng mga taong nakapaligid dito. Sapagkat habang walang nilalang na magmamagandang loob na tumulong, mananatiling nakalugmok ang tatlong kapat ng populasyon sa mundo. Sanhi din ang kahangulan ng mga ibang tao sa lipunan, na dahil sa kasakiman ng iilan ay nauubusan ang kalikasan ng pantustos sa pangangailangan ng lahat ng nakatira dito. Sisihin din natin ang malaking porsiyento ng lipunan na pinapairal ang "apathy".

Malalaki na siguro tayong lahat. Hindi naman na natin kailangan sa totoo lang isa isahin ang mukha ng kahirapan para maintindihan ng kamunduhan kung ano nga ba ang salitang "hirap" sa Pilipinas, o kung saan man sa mundo.

Iba-iba man ang eksperyensiya ng tao, natitiyak ko na lahat tayo may problema at naniniwala akong walang problemang mas mabigat kesa sa isa. Pero baliktarin man natin ang buong mundo, ikutin mo man ang sangkalibutan, bisitahin mo man ang bawat bansang nasa ilalim ng listahan ng UN na "Poorest Countries of the World", pare-parehas lang ang sanhi ng paghihirap ng mga tao at sabihin mo mang malawak ang kasagutan ko para sa isang malaking isyu ng mundo, pero ang sa totoo, ang sasabihin ko talaga ang isa sa pinakasimpleng panabla sa problema.

'Wag niyo na akong hingan ng isang mahabang listahan kung paano ninyo tutugunan ang isa sa pinakamabigat na problema ng mundo dahil hindi ko alam ang "sources" at kakayahan ng bawat isa sa inyo- kung kayo si Bill Gates na mayaman o kung kayo ay isa sa mga taong nangangailangan na talaga ng tulong. Alam niyo na sa sarili ninyo kung hanggang saan ang maibibigay ninyo, matalino kayo... Eto lang, pagnilayan mo:

Nung minsan naisipan ng Diyos na gumawa ng tao (at paramihin tayo) ay alam na niya ang mga pangangailangan natin, kaya nga biniyayaan Niya tayo ng HIGIT pa sa kinakilangan.
Bakit mo kailangan maging SAKIM?

Nang minsan maisipan Niyang maganda ang ginawa niyang mundo, naisip niyang gumawa ng tao na makukuhang pahalagahan ang ginawa Niya.
Bakit mo kailangan maging IRESPONSABLE?

Nang minsan maisipan Niyang magiging malungkot ang iisang nilalang na magbabantay ay gumawa siya ng isa pang tao para magkatuwang sila.
Bakit mo kailangan MANG-IWAN SA ERE?


PROBLEMO MO KUNG MAY HINDI KUMAKAIN.

PROBLEMA KO KUNG MAY HINDI NAKAKAPAG-ARAL.

PROBLEMA NATING LAHAT KUNG MAY NAMAMATAY SA BAWAT SEGUNDONG
UMIIKOT ANG MUNDO NG DAHIL SA KAHIRAPAN.

RESPONSIBILIDAD KO, MO AT NATING LAHAT ANG BUONG MUNDO AT LAHAT NG NILALANG NA NAKATIRA DITO, DAHIL HIGIT PA SA KAHIT NA ANO AY GINAWA KANG TAO.

 Gumawa ka ng paraan-- sarili mong diskarte.
Labanan ang kahirapan.
-----------------------------------------
Ginawa ko ang post na ito para sa BLOG ACTION DAY 2008: POVERTY.

"Burgis ka ba?" - linyang hango sa Political Dynamics book ko noong ako ay nasa ikatlong taon sa kolehiyo :)


3 comments:

alex said...

fight poverty!

FerBert said...

natawa ako parang galit na galit ka.. hahaha.. wooohooO!

pagbabago para sa mundo.

SAMIEBOI said...

LABANAN talaga ang kahirapan.

hindi aok galit, passionate lang :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...