Monday, October 6, 2008

Hep you!

alam ko may isasagot kayo pag tinanong ko kayo kung may ayaw na ayaw kayong hinahawakan na parte ng katawan ninyo... so, meron nga ba???

karamihan sa mga taong aking nakikilala sa pang araw araw na buhay eh ayaw na ayaw hinahawakan ang mga taba nila sa gilid o ang tinatawag na bilbil. nakupo! lalo na pag kapwa ko babae ang dudutdutin mo ung tagiliran at ung mga bilbil ay magsisigalawan, ay kamusta gurl, baka mas matindi pa sa pagka tinis ng boses ko ang hiyawan nila. hahah!!! and when i say matinis boses ko, i mean it. kaya shalala sa pagcompare ko talaga. hhaha!!!

pag sa lalaki naman, ang alam kong pinaka pinaka pinakaaaaa ayaw nilang gagalawin sa buong pagkatao nila eh yung tuktok ng ulo nila... oo yang hair sa ulo. lalo na kapag naka gel na or naka wax. ay kamon! pag madampian lang yan kahit siguro isang molecule mula sa palad mo, ready to battle na sila boy(s). heheheh!!!

sa akin naman, wala naman kaso hawakan mo man ang bilbil ko. hindi naman ako gaya ng ibang babaeng nagtititili at nag iinarte na "waaah! don't touch my bilbil." Go lang sa pagpisil pisil sa braso ko. kasi tanggap ko naman na malaman akong tao. saka ayoko naman kasing maging payatot noh? sayang naman ung blessings na binigay sa akin. and kamooon! normal lang naman ang may bilbil at may braso... tao kasi ako eh, hano? hahaha!!!

pero pero Peroooooo may isang parte ng aking katawan (mula ulo hanggang paa) na ayaw na ayaw na aaaaaayaw kong hahawakan. kahit yung pindutin lang na like *tok* ganon ayoko talaga. hindi ko rin alam for some reason pero pag talagang may nag aattempt na mahawakan yun eh nakupo, be prepared sa nangangain kong mata kasi talagang makakain kayo nito ng buo tapos nangangarate ako ng tao pag may sumusubok na hawakan un.

lagi nga nila akong tinatanong bakit ayoko ipahawak yung parte ng katawan ko na yun. niretoke daw ba yun at pag hinawakan eh baka biglang masira? like halluuur??? mukha ba akong isang retokadang babaita? hmm??? hahaha!!!

pero ewan ko. for some reason ayoko lang talaga. hawakan mo na ang ibang parte ng katawan ko (pero shempre yknow, yung pwede lang naman hawakan) wag lang talaga un. at naku kanina lang eh may nag attempt lang talagang humawak. mashado siyang natuwa. nakakaawa kasi hindi maganda ang gising ko tapos biglang sumubok-subok pa kasi siyang i-touch ito, ayan tuloy na bigyan ko ng dagger look.

ang dami kong sinabi, eh ang pinaka punto ko lang naman ay...

wag na wag ang ilong ko.
^_^

4 comments:

vera said...

ako din. lagi natatanong kung niretoke daw ba ilong ko. maderhamper. tsk.

pero minsan gusto ko syang patransplant. tindi ng allergic rhinitis ko.

† Yods† said...

nainyriga din ako bakit nga kaya ayaw mo ipahawak ilong mo? ahaha. e natatangusan siguro sila kaya gusto nilang hawakan.

sa ibang banda, tama ka doon, ayoko din na hinahawakan ang buhok ko lalao na kung ayos na ayos sa pagkakawax, kasi naman effort para sa lalaki ang pagaayos ng buhok kaya iniingat ingatan namin na wag magulo. bawat hibla niyan nageeffort kaming isaayos. ahaha

bulitas said...

hahawakan ko yan in spirit. hehe

superboi said...

HELLO GUYS! :D

V: ang laki ng problema nila no? mukha bang implanted mga ilong natin? hahahah :))

YODS: kaya ayoko pahawakan ang ilong ko ay dahil feeling ko pag hinawakan siya... mapapango ako. hahaha :))

BULITAS: sige naway maenjoy mo ang paghawak in spirit :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...