Saturday, October 25, 2008

Pronoia magnolia

Huwag na lang tayong magtanong, baka wala rin sagot.
O kung may sagot man, baka hindi rin natin maintindihan.
- mula sa "Agnoia" ni Liza Magtoto
1st Prize Don Carlos Palanca for Full Length Category 2002,
hango sa "Horoscope" ni Eli Gueib III.

Ang AGNOIA na itinanghal namin noon sa teatro na isa sa pinakamamahal kong plays. Para masaya, babahagian ko kayo ng mga litrato sa baba.

Agnoia is the counterpart of Pronoia. Agnoia means being in the state of unwit, of ignorance, of knowing nothing. Marami sa atin ang ganoon. When we say Agnoia, hinahayaan natin ang ating mga 'kapalaran' na maganap ng wala tayong kaalam-alam.

Pamilyar ba kayo sa "BAHALA NA!" attitude? Iyan ang AGNOIA... pinasosyal lang. Madalas gusto na lang natin na iiwan ang lahat ng mangyayari sa isang Higher Being, kahit na pwede naman na tayo na lang yung gumawa ng paraan. Walang masama sa pag-asa sa Higher Being, pero kung puro ganoon? Nasaan ang pagpractice mo ng ibiniyaya sayo na katalinuhan? Sayang lang. Tamad lang talaga siguro ang tao or pwede din na nagsasawa na siya sa sa paulit-ulit na lang na takbo ng mga bagay. Pero kasi lahat tayo ay konektado. Kapag ikaw, wala kang gagawin para mapabuti mo ang sarili mo, ang buhay mo at ang lahat ng bagay na naka-konek sayo... tiyak, apektado din ang iba. Paano na lang kung sila, ayaw nilang iasa ang lahat sa 'BAtHALA' kasi alam nilang may magagawa sila? kasi hindi sila natatakot na may mangyari sa buhay nila?

Ang kowt sa itaas...
Totoo man, kaduwagan pa din kapag ginawa mo. Minsan kailangan mo malaman kung DEAD END na ang lahat, na wala na talagang kasagutan at minsan kailangan mo naman malabuan sa mga bagay para matutunan mong maintindihin ang mga nasa paligid mo. Sariling effort.




*Masarap balikan ang nakaraan. Ang nabasa niyo sa itaas ay teaser na ginawa ko noon. Nag-aayos kasi ako ng multiply, naisip ko ishare sa inyo...

*Quotable Quotes:

Gemini: "at sana'y maalala mong muli na pinag-iisipang maigi hindi lang ang mga pag-atake kundi, higit sa lahat, ang mga pag-atras."

Saguittariius: "di ko nga mabasa isip mo, yung future ko pa kaya."

Aquarius: "ayoko ang feeling na nag-iisa kahit alam kong dalawa tayo"

Cancer: "gusto kong ibalik ang oras"

Capricorn: "can't i bloom by myself?"

Gemini: "so, wala tayong ibang sisihin kundi Saturn?"

Leo: "it is true because you want it to be true"

Pisces: "hindi iisa ang hugis ng pag-ibig"

Scorpio: "hindi lang sayo umiikot ang mundo, okay?"

Taurus: "ano ang mas masakit, yung iniwan ka kasi pinagpalit ka o yung iniwan ka niya ng basta basta kasi ayaw na niya o dahil gusto niyang mag-isa?"

Cancer: "ano ba naman ang pagkakaiba ng ngayon sa kahapon?... wala akong panahon makaramdam"

Aquarius: "then sabihan mo ako. isama mo ako."

Scorpio: "clouds are not solid."

Pisces: "it doesn't feel right. hihintayin mo siyang mag-ano? mag expire? i hate that word."

Pisces: "hindi lahat kayang hawakan. minsan dapat pabayaan."

Virgo: "agapan mo..."

Do you enter the state of unwit or
do you do something about your life?

14 comments:

lunes said...

nakakamiss tlaga ang pamilya sa teatro,hay...

oo nga naman.kelangan talaga malabuan, bago maintindiha ang lahat. hay ako nasa malabo pa rin ngaun.wehehe.

naaliw ako sa mga lines..

Aps said...

natuwa ako sa sinabi ni aquarius... panalong dialogue...

at astig ung pictures, pano mo ginawa ung, i think it was the second pic with the imaginary radio and softdrinks bottle.

pardon me for the ignorance. i'm trying to educate myself in using computer programs again hehehe.

anyway, un lang. asteeg. ;)

yeye said...

agnoia. bago to ah hehehehe

oo, nakaranas na din ako niyan...mas madaming instances pa nga kesa sa paranoia hahahaha


patay na bata kasi hehehe

teresa said...

ano ba naman,OUCH naman to ng bonggang bongga! Oo na nga, binabago ko na nga buhay at pananaw ko ngaun, kelangan ba talaga makabasa akong entring gnito na para akong sinampal? hahaha! aus, ang galing nito,pramis!

Paano na lang kung sila, ayaw nilang iasa ang lahat sa 'BAtHALA' kasi alam nilang may magagawa sila? kasi hindi sila natatakot na may mangyari sa buhay nila? -->OUCH!!!

Scorpio: "hindi lang sayo umiikot ang mundo, okay?"

haha! oo nga, hindi lang talaga sa kanya umiikot ang mundo ko,lols!bitter lang,hehe!

Ner said...

galeng galeng galeng *clap clap clap*

love the props ^^

fhadz (as Gemini) said...

OO superboi.. wala tayong sisisihin kundi SATURN!

ang daming bumalik sa akin nung makita ko lang yung pic ng agnoia!

i miss this play! hahahaha..

SAMIEBOI said...

hi Lunes:

oo nakakamiss ang teatro. kung praktikal lang na maging propesyon ang teatro, ginawa ko na sana itong kuhaan ng main income ko. ay di pala, stress absorber ko nga pala ang teatro, baka pag ginawa kong trabaho, mawalan ako ng channel na paglalabasan ko ng sama ng loob hahah :))


oo minsan kailangan malabuan, ako din nasa malabo pa rin... sa maraming bagay. pero naniniwala akong malalampasan ko din ito. kaw din kaya mo yan!

SAMIEBOI said...

hi APS:

aquarius ka ba? hehehe actually marami pang kowtable kowts kaya lang sa sobrang dami baka pag nilagay ko ung script, hindi mag load ung page. hehehe!!

ung props, props tlaag un, not computer graphics :) made of wire and binalot sa tissue paper. skeleton props ang tawag namin diyan... pauso lang. hehehe :)) may stroller pa niyan as in gumagalaw.. parang mga totoo lang :)

SAMIEBOI said...

hello YEYE:


agnoia, mula yan noong unang panahon pa. kasama niya yung pronoia, paranoia at iba pang noia. :) hehehe

pronoia naman is ung opposite ng agnoia at ung paranoia naku malayo na ang ibig sabihin niyan hahah :)

SAMIEBOI said...

yoho TERESA:


hahahah! marami sa posts ko nakakarelate ka. ibig sabihin niyan pare-parehas lang tayo lahat ng mga pinagdadaanan kaya wag ka sana kahit kailan malumbay, marami kang kadamay :)


basta ito lang: SISIHIN NATIN LAHAT KE SATURN ANG LAHAT LAHAT! hahaha

SAMIEBOI said...

hello NER:

hahah salamat! magagaling talaga mga taga AA. (yabang eh hahah)

pakalat kalat nga lang pala ako ner, pero papaka inbisibol ako sandali after ng mga replies ko...

kailangan ko mag evaporate.

SAMIEBOI said...

yeyeh FHADZ:

ke yabang nito... porke umarte lang dito sa play na ito eh hahahah!!!

AGNOIA AGNOIA!!! Sisihin lahat ke Saturn.

rommelmaglaya said...

hi may i know where to get the script of this play? thank you

rommelmaglaya said...

hi may i know where to get the script of this play? thank you

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...