Wednesday, October 8, 2008

Santa santita Hahah!!!

...pag ikaw maganda ang ilong mo, meaning matangos, maganda ang shape, at hindi retoke, patay ka sa akin. hahahah!! :) pero keribels kung hindi basta ba hindi ka alien eh. kahit di kasing tangos ng kanila tom cruise keri lang basta may ilong hahah :P

...tapos dagdagan pa na maganda ang iyong teeth kasama na ang smile shempre, oh mehn! mas patay ka sa akin. heheheh!! :) pero nung bata-bata ako, ang mga papunta sa magandang teeth and smile eh napapansin ko (meaning may braces mehn!)... ngayon hindi na. siguro kasi kailangan by this time, for me, kailangan maganda na ang ngipin ng tao. hahaha!!! :)) meaning walang cavity basta yung masarap lang titigan na smile like smiley hahaha!

....tapos tapos pag ung mata mo eh sobrang endearing, di naman kelangan piolo eyes or sobrang oa sa pilik mata na mukhang pambabae na, un tama lang, pero more on sa singkit na medyo normal na mata, eeerr normal to di ganon malaking mata, ay wow na talaga. hahahaha!! :)

.....tapos marunong kang tumingin straight sa mata ko, kasi naniniwala akong ang taong kaya tumingin straight sa akin ay ang taong di nagsisinungaling (for that time being lang siguro), ay apir tayo! yeah! :)

......tapos tapos kapag witty ka pa, meaning mahilig mag joke na may sense or kahit siguro may konting yabang basta may sense at di kabobohan, ay laglag panga ka na sa akin. hahahah!!

.......tapos pag matalino ka pa, tipong mahusay magsalita, marunong sa pulitika, o di kaya ay sa iba pang mako-consider kong matalino talaga ang tao, ay heaven ka for me.

........tapos tapos makakausap ka sa mga times na trip lang natin ng intellectual conversationskumbaga or discussions etc na di nagpapatalo pero di rin nakakaasar, sobrang pogi points na. :)

.........tapos pag street smart ka, marunong sa mga bagay na dapat alam ng normal na tao, at willing matuto, at go ka pa din sa pagle-learn ng mga bagay, super likeable ka na. :)

..........tapos tapos pag for some reason, makita lang kita at natutuwa na ako sayo. un na.

...........tapos pag may malambot na part sa kanya na gustong makatulong sa ibang tao, at may sariling paninindigan at gagawa talaga ng paraan, oh you're so loveable na.

.........tapos pag mahal mo ang family mo at mahal mo si God ng sobra at kaya mong maiyak, umiyak, magpaka intouch sa feminine side mo ng di nahihiya sa harap ko, sobrang love na love na kita.


A year ago may ganitong ganito din akong post for Christmas pero mga December ko na yun pinost at no way na ishe-share ko ang link ko dun dahil nakakatawa at nakakahiya ang mga comments ng mga friends ko hahahah kasi medyo natupad sya na nashortlive ko ang drama at errr basta ahahah long story hahahah :P mabuking pa ako mehn! soo ayun, naisipan ko lang na gawin ulit ito dito naman sa blogspot kasi sa multiply eh alam na nila yan. hahaha!!!

akala mo naman kung sino akong perpek na naghahanap ng perpek din na tao.

basta taong masarap titigan, tingnan, isipin, kausapin... go pwede ka na... so, ang dami na palang papasa dyan sa tabi tabi. pero isa lang ang pwede eh. hahahah :P joke lang adik mode lang hahahah gusto ko lang magpangiti... at mapatakbo ang mga imahinasyon niyo ng makagawa naman tayo ng isang imahe ng perpek guy... girl kung lalaki ka.

ay saka sana hindi naman mas mataba sa akin. hahaha!!! :))

i have just the right person in mind... ME! wahaha!

SANTA, give me one. hahahaha!!! JOKE.

early christmas gift anyone? :)

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...