Friday, November 28, 2008

Coke, Buksan mo!

Lahat ng bawal, masarap… parang Coke. :)

Addict ako sa Coke, isang bagay na aminado naman ako. Sa panahon na itinatayp ko ito eh lumalaklak ako ng coke. Oo, akin lang na sariling coke. Hehehe!! Lumaki ako sa isang bahay na ang bawat meal—brunch (dahil 10:30 na kami nagigising), lunch (around 12:30/1:30 pm), merienda, dinner, at midnight snacks (and everything in between) ay may kasamang Coke. Totoo yun sa commercial nila na kulang ang kainan without Coke. Pero marunong naman din kami uminom ng tubig, juice, milk, coffee, tea, etc… yun nga lang, Coke is the best! :)

Hindi ako naniniwala masyado na ang Coke ay nakakataba, at mas lalong hindi rin ako naniniwala na it causes diabetes. Kasi nga buong buhay ko naka-Coke kami… eh medyo tumaba lang naman ako nung third year highschool (kasi alis ng alis non, kain ng kain) tapos lumala lang nung college (kasi mga kaibigan ko eh past time kumain)… at hindi pa naman ako nilalanggam.

Pero recent studies have proven na hindi talaga nakaka cause ng diabetes ang Coke… pero yun sa pagpapataba, hindi pa na-di-disprove.

Summer 2005 (pa-2ndyr College), kinailangan kong tumigil sa pagka-addict ko sa Coke. Ang sakit sa damdamin non ah. Yun panahon kasi na yon, sobrang dami kong problema… sa pamilya, sa magulang, sa kapatid, sa kaibigan, at sa sarili… Stressed out… and sobrang depressed—siguro onting onti pa, suicidal na ako. Joke! :P

Alam ng mga nakakakilala sa akin na kapag kailangan ko ng pampasaya at ng added energy… ang Coke (at lahat ng matamis sa mundo, in particular CHOCNUT at Coke) ang inuupakan ko. Kaya pag malungkot ako or inis or stressed, ang suhol sa akin ay Coke or di kaya susubuan na lang ako ng Chocnut bigla. Ay trust me, college days, literal bigla nalang may susubo sa akin ng chocnut ng swak ganon or mapapabili ng Coke ng wala sa oras.

STRESS + COKE (acid) = SUICIDE

…na hindi ko naman non alam hano. So ayun na nga... OO, alam ko na pag stressed out ang tao, matindi magproduce ng thing-y ang tiyan/glands/whatever doctors call it, tapos numinipis ang lining dun sa tiyan/esophagus/whatever… Pero shempre dahil gusto ko lang naman ay magkaroon ng temporary happiness nung mga panahon na yun, di ko naisip na acid drink nga pala ang Coke. So, ang nangyari, internal (pero lumabas naman sa akin eh so external na??? hehhehe) bleeding (sabi ni tito doctor) ang kinalabasan ko na hindi nalaman at never ko ipapaalam sa magulang ko. Ang magchu-choo sisipain ko. hehehe!!! Wala naman na ngayon eh… ata. :) So sa mga taong nagtaka bakit napakatiyaga ko ng mga panahon ng second year magtitimpla ng juice at magdadadala ng pineapple juice, ay yan ang dahilan. :) at kung bakit ako pumayat noong mga panahon na yun ay dahil stressed out nga ako… at hindi lang dahil gusto kong magpapayat. Although yun ang sinasabi ko non kasi ayoko nga nagsshare ng problema sa buhay eh.Saka ang cool sabihin na “I am trying to lose weight…” Heheheh!!! :)

Nung 3rd year ako, nagchubby-chubby na ako hanggang sa umabot na ako ngayon sa state nang katabaan na ito… Promise, yun mga pictures na pinost ko, NILILINLANG LANG KAYO. >:P At since third year ulit addict na naman ako sa Coke… Literal na siguro sa isang buong araw, 1.5 liters ang naiinom ko kung pagsasamahin lahat. Hindi pa rin ako naniniwalang Coke ang dahilan ng pagtaba ko… kasi nung isang araw, puro Coke lang ang cinonsume ko, the next day, nabawasan ako ng 1-2 pounds… Pero dahil alam kong nabawasan timbang ko eh kinain ko naman ulit so… nadagdagan lang din ulit ako ng 4 lbs… saya. Not.

Pero catch, hindi ulit ako DAPAT pwedeng mag Coke dahil… at saka gusto kong lumiit ang puson ko. Kung may sala ang Coke sa isang bagay, yun ay ang pagpapalaki ng puson kasi siya at siya lang ang may sala… siya lang nakakapagpaproduce sa katawan ng ganon kadaming useless liquid na finifill up ang puson (ata). :)

Kaya lang hindi madaling ibalik yun concentration ko nung second year kasi kailangan ko ang stress remover ko na ito… kung wala ito, lagi niyo ako maaabutang naninigaw sa mga tao (nung 2ndyr, lagi akong nang-aapi tlga… more than the usual) at naninira ng araw ng iba. At sa schedule… Paano na ako???? Ang laki ng problema ko noh? Hahaha

-----

Paano mo nga naman papakawalan ang isang bagay na addicted ka… na halos buong buhay mo nga eh kasama mo na, kumabaga, parte na ng iyong buong sistema??

Uhm, hahahaha!!! Coke pa ba ang pinag-uusapan??? Heheheh :) isang malaking---

OO!!! COKE!!!!

4 comments:

kosa said...

hahaha.. ang saya nman ng bisyu mo..lols hindi nga.. isa din to sa madals kong pagdiskitahan... lumaklak ng coke.. sabi kase nila pampasigla daw to.. daig pa ng viagra kung ituring ko..joke

ahhhh hindi lang nman pala cooke ang iniinum mo eh... juice, tubig.. atbp.. subukan mo ding uminom ng gaas.. dugo ng ahas... alak..ihi at lason baka ma-iba ang pananaw mo sa buhay. baka iwan mo yang coke na yan.. hehehehe joke

karmi said...

hahaha. nagsimula ang lab istory namin ng ex ko sa isang bote ng Coke. :P anyways, enough of that..

kapag stressed at depressed ako, kumakain ako ng madami.. kahit alang coke. :P chocolate ang tinitira ko.. hehehe, ung Lindor Truffles. hahaha, talagang may brand.. :P

mama sam, coke nga ba talaga ang pinaguusapan dito?! LOL. intrigera ka mimay. hahaha. ^_^

*hugs*

yeye said...

maganda din ang coke. ginagamit din ito for emergency tulad ng:

-pag naghypoglycemia (low blood ugar) ang tao. isang coke sakto lang ang katapat.
-at pag nag-allegy ang isang tao sa kinain niya sa handaan.hahaha

sure ako sa una. sa pangalawa? hindi. narinig ko lan kahapon nung asa handaan ako.ahahaha


ung tama lang samie :)
inom ka din ng tubig
di rin magnda ung madaming acid sa katawan

nga pala. wag coke zero. it contains aspartane. :P

Anonymous said...

Buhay Diabetiko, Buksan Mo!
Mag-Coke Araw-Araw!

http://health.yahoo.com/news/healthday/toomuchcolacancausemuscleproblems.html

Lahat ng sobra ay bawal.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...