Monday, November 10, 2008

Pana-panahon

ang isa sa pinaka mahirap at pinaka masakit na maaaring mangyari sa isang indibidwal (maliban sa mamatayan ng minamahal) ay ang malaman mo na hindi mo na kilala ang sarili mo matapos ang lahat ng mga kaganapan sa buhay mo. yung tipong dati naman secured ka sa sarili mo pero for some reason, dala ng sistema, environment, at ng mga taong nakapaligid sayo eh nakakalimutan mo na kung ano ang substance mo as a person.

hindi naman sa pinabayaan mo ang sarili mong lamunin ka ng sistema, may mga bagay lang na kahit anong laban mo eh hindi mo talaga makakayanan ng mag-isa.

dyan papasok ang panahon para sa sarili mo, kasama ang pinaniniwalaan mong mas nakatataas sayong Nilalang at ang mga pinag-kakatiwalaan mong mga tao para ang mga isyu mo sa iyong sarili at kawalan ng pagkakakilanlan sa pinagmulan mo eh maayos mo.

Ilang linggo na ang nakakaraan ay nag blog ako na kailangan kong hanapin ang sarili ko magpakalayo layo sa mundo iwan ang lahat ng nakapaligid sa akin at hindi ko pa siya nagagawa pero dahil na rin sa ilang araw na akong nasa alapaap at lugar ng mga panaginip medyo nakakahinga na muli ang sarili ko at nasisimulan ko ng makilala ang nawalang ako.

alam niyo yung kanta ng The Veronicas? Yung when all falls apart... sabi nga, when everything is F*cked up, ikaw lang ang may kakayahan na pulutin ulit ang sarili mo.

5 comments:

bulitas said...

Pana-panahon lang yan. Lahat naman siguro ng tao may ganyang moda sa buhay.
lilipas din yan. Sana mahanap mo na ulit sarili mo asap to get you back right on track!
=)
all the best to you, sam!

apir!

kosa said...

taena, ang lalim.. oo nman.. matutlungan ka ng iba pero ung tulung na pinaka-importante dapat galing pa rin syu.. tulungan ka man ni obama kung ayw mong tulungan ang sarili mo, wala ding silbi

pey pilya said...

gusto ko ding mahanap yung dating ako.. na kung saan wala akong masyadong problema.. pero sabi mo nga.. pana-panahon lang yan.. sana ikaw mahanap mo din ang sarili mo.. pero para sa akin.. siguro kung di ko mahanap yung dating ako.. sasanayin ko na lang siguro ang sarili ko sa bagong ako.. ganun talaga e.. everything changes..

Anonymous said...

dumaan din ako sa ganyang punto ng buhay. early twenties, early adulthood. nagsisimula na kasi sa yugto ng buhay natin na marami na tayong nakikita, natututunan, nalalaman, nae-experience, etc. kaya pakiramdam natin hindi natin alam kung ano at nasaan na ba tayo bilang isang tao. back to basics, values. ano ba ang mga pinahahalagahan mo sa buhay mo? 'yon ang magiging pundasyon sa iba pang aspeto ng buhay mo. Godspeed.

kat said...

i like that song, by the way.
gusto ko ang entry na'to. ganito ako ngayon.

matagal na akong nawawala.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...