Wednesday, November 12, 2008

Right Against Self Incrimination

Dahil kanina ay usapang Media Law eh naalala ko ang aming professor noon sa asignaturang iyan nung kolehiyo na si Atty. Reynaldo "Bong" Lopez.
Si Sir Bong, maraming crush yun, parang highschool lang eh. Hehehe! Ke kyut kyut talaga ni sir bong. Bago matapos ung taon non sabi niya sa amin, may crush(es) siya sa classroom namin. Kami naman yiheee highschool nga lang ganon... tapos biglang turo ang row namin na nasa harap niya. Bong Lopez' angels daw (ako. yvette. bianx. maica. issa.) ...ahsus. un naman pala. pano kasi kami un row na mahilig makipagdiskusyon magdaldal ng walang kalaban laban at napapagalitan at magbigay ng opinyon at katanungan na minsan di na din namin alam kung may sagot pa ba dapat o naghahanap lang talaga kami ng diskursong intelektwal. eh bong lo un eh. mahusay. hahanapin mo talaga ung palitan ng opinyon at ideya.
minsan si Sir Bong nagpaka emo non sa amin at may shinare sa amin na about sa cheesy na topic na love. kinukwento niya kasi kung bakit siya single pa at nag eenjoy tapos basta ewan may isa yata kaming blocmate na humirit. eh di ayun, instant advice nakuha ni blocmate.
sabi ni bong lo, pag mayroon nagkagusto sayo, wala kang karapatan na sabihin sa nagkagusto sayo na maghanap na lang siya ng ibang mamahalin / gugustuhin o hindi ikaw ung dapat mahalin o gustuhin niya. problema na yun ng nagkagusto sayo at hinid mo yun problema. wag ka nga daw makialam, puso niya yun eh, utak niya yon. hayaan mo siya kung ikaw ang gusto niya. malas nga lang niya sayo. kung ikaw naman ang magkagusto, eh di ayan, problemahin mo sarili mo. dahil kahit saan mo mang korte dalhin ang bagay na iyan, hinding hindi mo madidiktahan ang isang taong wag ka niyang mahalin o gustuhin. dahil di mo pag-aari ang puso at utak niya.
ampf. saya ng media law namin di ba? hahahah!!!!
tapos minsan namilosopo kami. mga sira ulong bata eh! hahaha!!! sabi namin non habang dinidiscuss namin nung simula ung mga basic rights, laws, etc... at naging joke siya na meron na din kumakalat sa text na similar joke.
pag pinapaamin ka sa isang kasalanan ganito ang ihirit mo:
Philippine Constuitution 1987 Article III Section 17 Right Against Self Incrimination:
No person shall be compelled to be a witness against himself.
namimiss ko mag aral ng media law. actually ng batas. :|

7 comments:

rabsin_d said...

wahehehe...nadiscuss din namin yan sa Pol Sci namin na class..wahehehe

yeye said...

pag pinilit ka ng nanay mo n umamin sa kasalanan mo. eto ang dapat mong sabihin:

"no person shall be compelled to be a witness against himself"
-Phil.Constitution-article 3 sec 17


hahahaha

wah..
consti...

ayaw ko na yan

kat said...

hahha, ang saya nga ng media law. napupunta sa crush crush yung topic! lol.

superboi said...

rabsin_d: hahahah mahal ko ang pulitika kaya enjoy ko ang mga ganitong subjects :D


yeye: oo yan na nga ung kumakalat sa text kaya nga naalala ko si bonglo eh ahhaha :P


kat: naku masaya ang media law kasi mapapa WOW ka lalo na pag si bonglo ung prof. ay panalo!

ka bute said...

makonsulta nga ung officemate kong attorney. hehehe.

siangelnawalangpakpak said...

first time ko ata dito magcomment.

eniweyz, dahil secret pangarap ko rin ang maging lawyer, gusto kong gamitin yung linyang yan pag nagkaroon ng opportunity. salamat ha? so useful!!! ehehe...

kalansaycollector said...

ay nako swerte niyo sir bong kayo. haha

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...