Wednesday, December 31, 2008

hoi IKAW ay MISSed

NAMIMISS NA KITA
at nalulungkot ako kasi di na tayo gaya ng dati kung mag-usap.
Saan kaya napunta yung mga panahon na yun? hahahaaaaay.

bahala na kayo kung sino isipin niyo. sa malamang hindi niyo din naman kilala ang tinutukoy ko. sa malamang din, gaya ko, meron din kayong taong matagal ng di nakakausap at biglang sumagi lang sa isip niyo na namimiss niyo silang kausap, mapa kaibigan, ka-ibigan o kapamilya pa man yan.

huling araw sa taong 2008 ko ginagawa ang blog na ito. pangako ko sa sarili ko na sa taong 2009 di na ako magpapakalayo ng sarili sa ibang tao. yung tipong dadating pa sa puntong magagalit muna sa akin ang mga kaibigan ko , itetext pa ako at tatawagan para malaman kung buhay pa ba ang number ko at ako or dadating sa punto na ako na mismo ung mapapa emo dahil namimiss ko ang mga panahon na lumipas.

pangako ko talaga... di ko hahayaan ang mga relationships ko na mapunta to nowhere dahil sa mga simpleng rason gaya ng tinatamad, walang oras, pagod, at iba pa...

dahil kahit na may mga few chosen moments na hindi applicable ang isa sa mga mantra ko sa buhay, ang quote na ito ay pawang totoo para sa 3/4 + 1/2 pa nung 1/4 na natira :

Kung GUSTO may PARAAN
Kung AYAW maraming DAHILAN.

maligayang pagpapaalam sa taong nagdaan at hello kinabukasan :)



3 comments:

gillboard said...

magandang resolution yan... hindi lalayo sa mga taong close sa iyo... parang kelangan ko rin yatang gawin yan

Happy New Year!!!

kosa said...

lols...tulad nga ng karamihan at kadalasang mangyari...

pramises ar meyd to be broken..
sana sana matupad mo ang pangako mo parekong ol nowing super boi..lols

manigong bagong taon

jeszieBoy said...

nako.. tsong.
parehas lang tau!
upon reading ur post, reminds me of someone na SOBRANG NAMIMIS KO NA RIN! tae. 'apee new yr nlang tsong! ingaats sa paputok! :]

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...