Thursday, December 25, 2008

no PASOK ay pasko pala

sa totoo lang kung ako ang tatanungin, hindi ko dama ang pasko ngayon, lalo na kung ikukumpara sa mga nagdaang pasko. marahil sa:

una, hindi na ako nag-aaral. wala nang "christmas vacation" akong inaantabayanan sa bawat taon ng buhay ko. ngayon kasi kahit na dec24 pa yan, kung gusto ng nagbabayad sa sahod mo na pumasok ka, papasok ka ng dec24. oha, di ba winner? sarap lang mang gusot ng mukha.

pangalawa, hindi na ako bata o nag-aaral. dahil sa alam ng madlang tao (kamag-anak ko) na ako ay nagtatrabaho na at kumikitang kabuhayan galore na eh sila ang naghahanda ng mga palad nila para sila ang makatanggap ng regalo mula sa pinagpawisan at iniyakan ko ng dugo na sweldo.

pangatlo, ang kaunti ng mga nakikita kong dekorasyon sa paligid. madalas kasi madaling araw na ako nauwi or sobrang gabi na (dala ng ot) kaya madalas, tamed na yung mga christmas lights. saka nagtitipid na ang mga tao. para san pa ba ang kaartehan ng mga christmas lights na yan diba? (pero ang bahay namin eh punong puno ng christmas lights. trip ng magulang ko eh hahaha)

pang-apat, hindi ko man lang nabilhan ng mga regalo ang mga taong dala-dalawa o tatlo tatlo kung magregalo sa akin (ang aking pamilya). paano naman kasi, wala akong panahon para magbibibili. ung pera ko mula dun sa huling kumpanya ko na pagkalaki-laking separation pay eh napunta ko na sa pagkain at sa load (in a day nakaka 3 akong 100 cards) saka transpo. tapos ung sweldo ko naman ngayon dito sa bago, dahil hindi pa ako regular eh naka papel pa siya. hahahaay.

panglima, mashado ka ng pagod mula ulo hanggang paa, mula kasingit-singitan ng kalooban mo hanggang sa mga kasukasuhan ng katawan mo na masasabi mo nalang... IM TOO EXHAUSTED TO EVEN FEEL CHRISTMAS-y.

...at idagdag mo pa na ang init (malamig nga pero di ung ganon) ng Paskong ito.

pero anu't ano pa man ang dahilan ng pagkaka unfeeling nang Paskong ito eh kebs na lang nating lahat. eto na nga lang ung panahon na magkakaron tayo ng sariling panahon para sa ating mga sarili at sa mga taong buong taon nating nababalewala or kung hindi man paminsan minsan nate-take for granted.

wala naman sa regalo o sa mga nagkikislapang mga tahanan ang Pasko, kundi sa sarili natin at sa mga taong nakapaligid sa atin ang tunay na Pasko.

MALIGAYANG KAARAWAN EVERYONE :)

5 comments:

gillboard said...

Kahit di na tulad ng dati ang Pasko mo, hiling ko nawa'y Maligaya pa rin ikaw at ang pamilya mo.


Merry Christmas!!!

teresa said...

agree ako,hindi ko rin maramdaman ang pasko ngaun,hehe!

pero sabi nga,ang pasko eh para talaga sa mga bata, at dahil tayo ay hindi na mga bata, mas lamang na puro gastos na ang naiisip natin pag darating ang pasko, tuloy..mas madalas hindi natin ito maramdaman..in denial, un siguro ang term,hahaha!

merry xmas,sam!

karmi said...

may pasok ako kanina (Christmas day). well, mejo sanay na kasi 2 years na akong pumapasok ng christmas day.

naramdaman ko naman ung pasko, pero late na. hehehe.. namiss ko tuloy ung pagiging estudyante, dahil may christmas break. :P

Merry Christmas mama sam..

lunes said...

meri krismas...

halos pareho tayong pagod... pero keri lang.. bata pa naman tayo. kaya pa ng katawan.wehehe...

tc!

kat said...

merry christmas, sam! (sam ba name mo? sorry superboi lang alam ko) :)

ako rin, baka kulang lang yung spirit of christmas ko. yung iba kasi feel na feel nila ang pasko.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...