Wednesday, December 31, 2008

OWN 2009

Dear YOUniverse,

dahil normal akong tao at normal din ang mga kaibigan ko... hahahah (walang kinalaman)

Salamat kasi pina-graduate mo ako. Alam ng sangkatauhan ang ilog ilog at balde baldeng luhang ibinuhos ko kada araw simula ng pagpasok ng taon na ito dahil lang sa thesis na yan. Salamat kasi pinatapos mo yun.

Salamat kasi two days after graduation eh pinasok mo na ako sa isa sa mga bigating advertising agencies sa Pilipinas (at oo magyayabang ako, kebs niyo.. pati ng mundo). Though alam din naman natin ang nangyari sa akin. Ilang down moments din yun. Hehehe!

Salamat kasi kahit papaano nagkaroon ako ng dalawang buwan para mahanap ko ang sarili ko muli, na hindi ko din mashadong na exhaust pero keri pa din. At sa dalawang buwan na yun ay nakilala ko ang ilan sa mga di ko inaasahan na magiging kaibigan. Salamat talaga :)

Salamat kasi humabol pa ikaw ng blessing at ginawa mo na naman akong parte ng isa sa mga award winning and sought after na advertising agency sa Pilipinas (oo mayabang ulit ako, paki ko sa inyo heehh). Though alam din natin ang hirap at stress ko sa bagong blessing na ito pero yun, salamat pa din. May mga bago akong nakilala at naging mga kaibigan.

Higit sa lahat, salamat kasi damang dama ko na may nagmamahal sa akin at may gustong magpadama na mahalaga ako sa buhay nila. I feel so loved and thank you kasi hinabol mo yun bago matapos ang taon.

Isa pang, higit... salamat kasi nakilala ko ang isang taong matagal ko ng gustong makilala. First year college pa lang ako. Sobra sobra pa sa inaasahan ko ang pagbigay mo sa akin sa kanya. Maraming salamat talaga :)

Isa pang higit... salamat kasi natutunan kong magmahal at mahalin ngayong taon na ito... less bitcheeta sam na ba.

pumasok ang taon 2008 na dama ko ang bigat ng mundo. akala ko biglang binawi sa akin ang I OWN THE UNIVERSE na mantra ko last year. kala ko dahil para akong si King Midas last year na lahat ng hawakan ko ay nagiging ginto eh biglang ngayon ipapadama ang down moment ko... pero hindi pala.

gaya ng sabi ko paulit ulit sa ibang tao, you are what you insist of becoming... you are what you repeteadly do... with that said, dahil ayoko na malugmok sa sadness... ibabalik ko ang mantra kong I OWN THE UNIVERSE para sa 2009. dahil ang lahat ng blessings dumadating pag hinihingi mo siya without doubt.

at itatry ko ang best ko na wag itapon ang mga relationships ko ng basta basta dahil tamad lang ako tumawag, magtext, magym mag email etc...

di na ako kakailanganin pang itext ng buhay pa ba ako para lang magparamdam... err, try lang :) hehehe


Thankful ako sa lahat ng nakilala ko. As in mamatay man ako, peks maN!

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!!!

MANIPULATE. DOMINATE. OWN 2009, ha?!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...