Wednesday, December 10, 2008

you ma-duhl-dal?

minsan mahirap maging madaldal kasi kapag tumahimik ka, may magtatanong.

anong problema? malungkot ka?

kahit ikaw, keber lang. wala lang ayaw mo lang magsalita.

minsan mahirap maging madaldal kasi kailangan gumana yun Yu-tak mo ng 24/7.

alangan naman kasing salita ka lang ng salita tapos puro nonsense din lumalabas sayo or vulgarity, mas mabuti talagang manahimik na lang.

minsan mahirap maging madaldal kasi nakakatuyo ng laway din. saka feeling ko pag madaldal ka, mapapanis din yung laway mo kasi pasok ng pasok yung hangin sa bibig mo. eh di ba pag ang mga pagkain nga pag mashadong nahahanginan napapanis. pag di nahahanginan, napapanis so parang ganon lang din ata ang bunganga ng tao.

minsan mahirap maging madaldal kasi mamaya kung anong mga bagay ang pumasok diyan sa bibig mo. langaw, lamok, ipis na lumilipad, dumi, alikabok at lahat na.

yak. kadire.

minsan mahirap maging madaldal kasi mauubusan ka ng words as in vocabulary words. mashado naman kasing pangit kung puro same words ang ginagamit mo sa isang conversation. puro kyeme or churva or chenes.

minsan mahirap maging madaldal kasi mamaya salita ka ng salita eh di ka naman pala nakukuha nung kausap mo. either malabo ka talaga magsalita or sadyang mabagal lang mag-pick up ang iyong kausap.

sayang ang effort.

wala lang.

5 comments:

neri said...

well, good thing di big deal kung nananahimik ako dahil tahimik talaga ako. haha. well, medyo nagsasalita na ko ngayon. kaso kakatamad kasi magsalita minsan.

dotep said...

daldal mode? add some beer...







pufff!






blahblahblahblahblah! huwag ka lang pasasapak... hehe


masarap naman talaga magkwento eh, kaya lang minsan nakakaasar sa ibang tao kapag sobra na, mahahalata mo naman kung dapat nang tumigil... :)

KRIS JASPER said...

hmmm... new site mo?

kaya nga tayo binigyan ng orals... para mag oral.

(huh?)

I meant, para mag talk.

yeye said...

heheehe. masaya din naman pag tahimik lang. kapagod nga naman magsalita. tas kokontrahin ka pa pg salita ka ng salita. tahimik ka na lang tuloy
:P

samjuan said...

nagustuhan ko 'to.
=)

at tumpak ang mga punto mo. though di ko lng alam ang chemical composition ng laway na makakapagpapanis dito kapag nahahanginan. hehe.
=)

merikrismas

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...