Tuesday, January 27, 2009

YOU ARE PAID TO BE AFRAID

meron kasi sa office na parang one day leave every week. tawag dun V-day or Virtual Day. you can work from anywhere as long as online ka at ung mga bagay na due mo eh magawa mo. hindi pa ako matagal sa kumpanya ko kaya di pa ako entitled sa V-day. but because of some divine intervention, today is my V-Day. UGH!

nagising ako ng mga 4am ng madaling araw para malaman na nagchi-chills na pala ako. oo nangangatog ng di normal at mukhang may sinat. pinilit ko ulit matulog kasi kailangan ko pumasok sa office at medyo may ilan akong deliverables sa opisina na kailangan magawa though pwede naman ipakiusap sa iba un kung sakali man na mag absent ako. nagising ulit ako ng 7am na mas malala ang nararamdamang pangangatog sa lamig (kahit ngayon) at nag aapoy sa lagnat. ok, fine. kahit na workaholic ako, kailangan ko pa din mahalin sarili ko, di na ako papasok. so text ako sa mga taong nararapat para hingin ang tulong nila at ng makapagpahinga sana ako today para bukas eh solve na ako.

but no oh no! mula kanina pang 7am until ngayon sa mga oras na tinatayp ko ito eh gising ako dahil ang hiningan ko ng tulong sana eh ni hindi man lang ako tinutulungan. Pota, nakakainis lang kasi parang tangina lang kaya nga humihingi ng help eh para naman matiwasay akong makapagpahinga at ng bukas eh di ko sa kanila iaasa ulit ang mga bagay. Pero no, eto ako gumagawa ng mga kabagayan. mas stressful pa kasi mula dun sa laptop "ko" sa office na iniwan ko dahil di naman ako naguuwi ng trabaho eh pinapadala pa sa akin ang napakaraming files. para lang din akong pumasok. eh sana pala pumasok na lang ako di ba? baka mas maaga ko pa natapos ang mga bagay. grrr. ngayon nagpapahinga lang ako kasi naiinis ako at nadadagdagan ang taas ng temperatura ko sa pagkainis ko.

alam niyo un. kaya ka nga nag absent at nagtext para makapagpahinga ka at ng matulungan ka kasi pwede naman silang gumawa non. alam ko marami silang ginagawa pero di ba ang onti lang nung akin. pwede ngayon kahit naka upo ka lang at magtext ka eh.

pasalamat nalang ako kay Venice kasi andun siya sa office para tulungan ako. siya lang talaga ang tumutulong sa akin. eh catch, maraming bagay naman na di ko pwede iasa ke ven kasi di naman niya account un. haaaay :(

ang bigat na like hell ng ulo ko. ung katawan ko (balat) ko masakit na pag nadadampian ng kahit ano. ung leeg ko lumalala ang sakit. at naiiyak na ako kasi masama talaga ang pakiramdam ko. pasalamat na lang ako di pa ako nagdidiliryo. haaay.

at dahil hindi pa ako nakakapagpahinga... sa malamang, hindi pa din ako makakapasok ng opisina nito dahil sa nangyayari ngayon eh mas tumataas pa ang lagnat ko at mas bumibigat ang pakiramdam ko. Haaay. :(

4 comments:

gillboard said...

wag ka ulit pumasok bukas. pagaling ka, wag masyado magpastress...

kosa said...

i hope ok ka na sa nagyon... ingats

yeye said...

ay chaka!
kala naman nila kaya ka nila ipagamot. eh kung sila kaya magkasakit

naku. mashumaan sana sila ng thunderbolt lightning

pahinga ka na lola sam hehehe (lola sam na tawag ko sau, mama sam ka ni karmi eh hehehe)

alex said...

get well soon

ako naman gusto ko magkasakit weird no?? hehe

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...