Sunday, April 5, 2009

Bitch rules 101

BITCH RULES 101


1. Bitch hard.

Kung mangbibitch ka na lang, eh, i-todo mo na. Bakit mo pa ipe-preno ung bibig mo eh nambabalahura ka na rin lang naman ng pagkatao? FYI, there is no such thing as mild bitching nor that 'consider-what-others-are-feeling' point of view if you are truly a bitch.


2. Bitch well.

Simple lang naman yan, eh. Siguraduhin mo lang na kung mangbibitch ka, eh, nasa tama ka. Kung hindi man (tipong gusto mo lang talaga magpaka-mean girl effect), eh siguraduhin mo lang na hindi ka mabibitch back ng mas malala. In short, make your bitch-ing, flawless


3. Bitch intelligently.

Maraming feeling bitchesa lang sa buhay na ang lumalabas lang sa bunganga eh kung anong sa kademonyohan. Minsan tuloy ang nangyayari, parang ang babaw ng pangbibitch. Ewan ko kung applicable ito sa mga feeling bitchesa na nambabalahura lang ng ibang tao for the sake na gusto nilang malabel-an silang bitch. Pero ang tanging tao lang na makakapag- "bitch intelligently" eh ung mga taong nangbi-bitch kasi may reason.

Simple lang ang premise ng isang bitchy statement, a) kailangan tatagos sa pagkatao niya ang pangyuyurak mo sa kanya (yung maaapektuhan siya at mabobother) and b) matalino pa din ang labas mo at sopistikado.


4. Bitch with reason.

Hindi lahat bitch. May ibang feeling lang. Naniniwala ako na maganda kasi sana ang depinasyon ng salitang yan eh (yung bitch). Parang 'strong-willed' na maganda ang meaning sa totoo pero pag sa ibang tao ang labas lang niyan eh matigas ang ulo. At maia-apply lamang ang rule number four na ito para sa mga taong bitch kasi may dahilan, at hindi dahil gusto lang nilang maging mean.


5. Bitch that poor little "victim" of yours face-to-face, not from behind.

Para ito sa mga ibang tao na nambabalahura ng kapwa habang nakatalikod ito sa kanila. Tapos pag biglang harap eh ang bait bait bait. Naniniwala kasi ako na hindi bitch, kundi isang malaki at nagsusumigaw na backstabber / backbitter ang mga taong di kayang mangbalahura ng tao na tipong in yer face, mehn! Ganon. Siguro maaaring hindi ung biglaang harap-harapan na "hey you, ratatatatata". Pwede naman ung buhos ng irita sa likod nung tao tapos sasabihin din niya yun ng in your face after--- hindi dahil sa nahuli siyang nambabackstab, kung hindi dahil sa talagang gusto niyang malaman yun nung tao na mula sa kanya yung lahat lahat ng masasakit na salita na sinabi din nito sa likod. Nagets niyo?



did i make sense? hahahah!!!


dahil hindi ikaw tunay na bitch kung hindi mo kayang mang bitch ng tama.
isa ka lang malaki, nakakaawa at napaka walang kwentang "scaredy cat."



amen.

2 comments:

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...

huwaw ang lufet bow!

karmi said...

amen mama sam! hahaha.

medyo nakakatakot ang entry mo ha. :P di raw ako pwedeng magtaray. di bagay maging bitch. ewan. ayoko rin, di ko ata kayang pangatawanan. hehehe.

miss yah!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...