Saturday, November 6, 2010

happy birthday revelation to me?

06.03AM
Kinantyawan ako ng mama mo, ilang araw bago ang birthday mo. Sabi niya manlibre daw ako. Bilang masunurin akong bata at talaga naman gusto kong gumagawa ng mga 'surprise' celebrations, ginawa ko.

Alam ko na mas magiging masaya ka kung iimbitahan natin ang mga kaibigan mo sa dati mong pinagtatrabahuhan. Kaya naman kahit na hindi ko sila kaclose, ginawa ko yun dahil nga magiging masaya ka. Haha!

Dumating na ang kaarawan mo, at malamang sa malamang din, dumating ang mga kaibigan mo. Gaya ng normal na mga birthdays--- kumain, uminom, at yosing walang sawa ka naman kasama sila. At gaya ulit ng mga ibang birthdays, hindi na naman kayo mapaghiwalay ng sabi mo nga 'best buddy' mo sa kanilang lahat --- si M. Hay... Ang sakit sa pusong makitang balik ka sa lumang lifestyle mo. Mas masakit habang pinagmamasdan kita na enjoy na enjoy kakulitan sila, siya. Pero wala akong magawa dahil sabi mo nga, mas masaya ka na ginagawa yung mga yun kumpara sa wala kang yosi at kasama ako.

Hindi mo ako sinamahan or pinuntahan man lang sa isang buong gabing selebrasyon, maliban na lang nung wala na kayong mapag-usapan at nagkayayaan kayong maglaro na lang ng L4D. Sabay ninyo akong pinuntahan ni M, habang ang iba ninyong kasama ay nag-aayos ng mga gamit nila. Nagpaalam ka, 'punta lang muna kami dun sa Makati kung san kami naglalaro madalas. Bahala na kung anong oras ako makakabalik.' Umokay na lang ako at ang mga magulang mo.

Umupo kayo sa mesa namin habang inaantay ang iba ninyong kasama. Di gaya ng dati, sa magkabilang dulo kayo ngayon ni M naupo... Habang ako nasa harap ninyo pinipilit ngumiti habang nakikipagkwentuhan sa kanya. Ikaw, tahimik lang. Ayaw mo magsalita.

Si M, ganon pa din, madaldal at pala kwento. Kada kumento niya kailangan niya yatang tumingin sayo at ngumit. Medyo nagsisikip na ang dibdib ko kaya hindi ko na mapigilan magkumento sa kanya... 'Gusto mo ba siya, ha?' Natahimik siya na parang nagulat siya sa tinanong ko. Sabay sabing hindi ka naman daw niya gusto. Magkaibigan lang daw talaga kayo, sabay labas niya ng isang tawang punung-puno ng kaba.

Di pa rin ako paawat dahil sobrang sama ng nararamdaman ko... 'Eh bakit biglang di na kayo magkatabi, ha M, ha D?' bigla kong sabi ng buong pagtataka.

Sumaklolo ka na ngayon sa kanya dahil nakikita mo na nagtataas na ako ng boses at may bahid na talaga ng pandududa. Sabi mo sa akin, 'ano ba problema mo? Maglalaro lang kami, inaantay namin yung iba, kailangan ba magkatabi kami?' sabay tayo at punta sa kabilang mesa para kumuha ng tubig. Tumahimik na ako. Ayoko ng makipag-argue.

Subalit, siguro, hindi na din mapigilan ni M ang sarili niya, biglang bumulong siya sa akin at sinabing, 'Sorry Sam, halatang halata na ba? Oo, gusto ko siya. Gusto namin ang isa't isa... Patawad.'

Yung sakit na marinig ang lahat ng yun, para akong sinaksak ng limang bilyong boses ng ice peak sa puso, sabay buhos ng 5 gallon ng alcohol sa sugat. Sa sobrang sakit napatayo na lang ako sabay hila sa buhok niya at matinding mga sampal ang binigay ko sa kanya. Ikaw naman ay sabay hila sa akin papalayo at kaunting tinulak para maprotektahan siya, patunay na mas gusto mo siya kaysa sa akin.

'What the fuck is your problem, Sam?'

Tumahimik na ako at umiyak. Ayoko na makipagtalo...

'Yes, I don't love nor like you anymore. Matagal na, ikaw lang naman nagpupumilit eh. Don't fucking hurt M! Tangina!'

Sabay hawak at yakap ka sa kanya at umalis na kayo kasama ang iba pa...

Ang sakit. Sa katunayan, hindi ko na alam kung paano i-put into words yung nararamdaman ko. Iniwan mo ako, pinili mo siya. Sila... Ano pa ba ang magagawa ko diba?

Sabay nagising akong humahagulgol at hindi makahinga... Panaginip man siya o kahit totoo pa, alam kong hindi ka na nga talaga sa akin masaya. Mas pipiliin mo pa rin ang magyosi at uminom kasama sila, mas maglaro buong gabi kaysa kasama ako at kakaamin mo lang, mas masaya kang kasama sila M at yung iba simula ng di na tayo nagkikita ng madalas...

:( ang sakit sakit lang...

Pasensya na, kailangan ko lang ikwento kasi mabigat sa damdamin ang panaginip na ito...

(To those who are following my blog who cannot understand my native language, forgive me for posting a blog totally or very much devoid of the English language. It's just a story about me and how I found out that I was really out of the picture in someone else's life...)

##

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...