Monday, November 15, 2010

memories worth revisiting... :)

1. Masugid ka pa non nagbabasa nitong blog na 'to... Dati kasi nakakarelate ka, sabi mo nga.
2. Amaze na amaze ka ng malaman mo na may atleast two common friends tayo na naging three, four, hanggang sa dumami...
3. In-add mo ako sa lahat ng social networking sites ko--plurk, multiply, facebook, name it, andun ka. At masugid ka din kumumento noon...
4. Nang malaman mong may chance na magkita tayo sa isang get together ay pumayag kang magpahila sa 'common friend' natin, hoping na finally makausap mo na ako in person... Too bad, I overslept and woke up to you calling me around 8pm asking me where I was. Dahil sa MOA yun at asa Commonwealth ako, at 8pm na, malamang sa malamang, di ako pumunta.
5. Kinuha mo ang YM ID ko kasi sabi mo non may ipapakita ka sa akin at kung sa plurk eh ang haba pang discussion... Mula noon lagi ka na nag iiwan ng mensahe at nang nagni-ninja ako, isa ka sa hanap ng hanap at nagbabakasakaling matyambahan ako.
6. Dahil alam mo na number ko, lagi ka na lang din may tanong about UST.
7. Nagbigay ka pa codename sa akin, alam ko naman na ako yun.
8. At ang ibang posts mo, alam ko rin na ako ang binabanggit mo.
9. Nag-aya ka uminom kasama ng ibang friends mo at ng isa sa mga common friends natin. Dun ko lang maranasan na ma on the spot pero okay lang...
10. Hanggang sa ikaw na mismo ang nagsabi sa akin straight to my face na gusto mo ko...
11. Mula noon, nakikita ko na yung mga random letters mo for me na di mo naman intensyong ipakita talaga...
12. Mga little something na ginagawa like pagpuntang tbwa para dalhan akong coke...
13. At ang mga text messages na nakakatawa kasi damang dama kong parang tayo lang dalawa ang nag eexist na magandang bagay sa mundo...



Ang sarap balikan, pero mas masarap sana kung hanggang ngayon ganyan pa rin... Pero di naman pwede so okay na lang din... :(

I wish 100% ka ng bumalik.

1 comment:

=supergulaman= said...

No comments yet. ahehehe... yan din minsan ang inaasam ko... sana nga tulad pa din nga ng dati...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...