Thursday, August 4, 2011

Hindi ako masamang tao. Pero hindi rin ako kasingbuti ng iniisip mo.




Hindi ako perpekto. Mayabang ako. Masungit. Mataray. Prangka ako at wala akong pakialam kung minsan nakaka-offend ko ng mga tao sa pagiging prangka ko. Maikli ang pasensya. Naninigaw pag wala ako sa mood. Wala akong respeto sa mga tao pag sa tingin ko di siya dapat irespeto. Papalayasin kita sa harap ko at sa harap ng ibang tao pag ayaw talaga kitang makita. Nananampal at nagpapahiya ako ng tao pag galit nag alit ako. Ang kung siguro kasingsama ng ugali ko dati ang kasalukuyang ako, kaya kitang gantihan nang mas higit pa sa sampung milyong beses pag ako ang unang mong sinaktan. Nakapagpaalis na ako ng tao sa trabaho. Nanumpa na rin ako ng buhay ng may buhay sa sobrang galit noon.


Pero lahat ng yan ay reaksyon ko sa mga taong ako ang unang sinasaktan.


Pero sa lahat ng 'yan, ako ang unang iiyak. Ako ang unang bibigay. Ako ang unang magso-sorry. Ako ang makokonsensya. Ako ang unang gagawa ng paraan para maayos ang lahat. Ako ang makikipagbati. Ako. Ako. Ako. Dahil sa lahat-lahat ng 'yan, ayaw na ayaw ko na makakasakit ako ng ibang tao. Dahil sa lahat-lahat ng 'yan, reaksyon ko lang sa gagawin mo sa akin bilang tao. Reaksyon sa sakit at disappointment.

Dahil hindi ko naiintindihan kung bakit may mga taong kaya akong saktan. Hindi ako kahit kailan naging madamot. Binibigay ko kung ano ang kaya kong ibigay. Kung kaya ko gagawin ko ang lahat maging masaya lang ang mga tao sa paligid ko. Di mo man sabihin, ipagtatanggol kita kung alam kong may maling nangyayari. Kung pinaniniwalaan kita, hanggang sa dulo, ikaw ang paniniwalaan ko (unless malaman ko kung ano ang totoo). Kung kailangan ako ang mawalan, hahayaan ko. Walang tanung-tanong, ibibigay ko, dahil kuntento na ako na masaya ang mga tao sa paligid ko.

Hindi ko sinasabing unconditional ako magbigay, pero hindi ko hinihingi kahit kailan ang langit at lupang kapalit. Hindi ko sinasabing ibigay pabalik sa akin ang lahat ng ibinibigay ko. Ang akin lang, maging masaya ang mga tao, magiging masaya ako. Wag akong babastusin, okay na ako. Wag akong sasaktan sa kahit anong paraan, pwede na. Igalang lang ako bilang tao na may emosyon, tatahimik na ako.

Kaya hindi ko maiintindihan kahit kailan kung malalaman ko na sinasaktan ako ng mga tao sa paligid ko. At pag dumating man ang araw na yan, ang tanging hiling ko lang ay sana, sana, sana, mangibabaw ang matinong pag-iisip ko kesa sa reaksyo ko sa sakit. Sana lang talaga.




Hindi ako masamang tao. Pero hindi rin ako kasingbuti ng iniisip mo.




1 comment:

Marvz Anime Blog said...

nicely said... Yan ang gusto ko sa tao... ung pranka pero sensitive... hehehe... I like you ate... :D anyway... nice post...

care to exlinks? Let me know so I can add you on mine... tnx...

Marvz Anime Blog
http://marvzanimeblog.blogspot.com/

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...